^

PSN Showbiz

Dalawang babae ni Aljur seryosohang nag-usap

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Nabunutan na ng tinik sa dibdib si Alfred Vargas nang aminin na nito na meron na silang anak ng asawa niyang si Yasmine Espiritu.

Baby girl ang unang anak nila na pinangalanan nilang si Alexandra Milan dahil isinilang ito sa Milan, Italy.

Kasabay ng pag-amin ay ang announcement na rin nina Alfred at Yasmine na may kasunod agad ang kanilang first baby.

Apat na buwang buntis na naman si Yasmine at eksaktong isang taon ang kanilang anak ay iluluwal naman nito ang kanilang pangalawang baby.

Feeling ni Yasmine, baby girl din daw itong pangalawang ipinagbubuntis niya. Gusto sana nila ay baby boy naman, pero masaya pa rin daw sila kahit ano ang gustong ibibigay ng Diyos para sa kanila.

Sa June 11 na bibinyagan ang first baby nina Alfred at Yasmine at ilan sa mga kinuhang ninong at ninang ay sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Paolo Contis, Diana Zubiri, Iza Calzado, Ricky Lo, Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte.

PAK : Naabutan ng Startalk crew si Louise delos Reyes nang dumalaw ito kay Enzo Pineda sa set ng bagong episode ng Spooky Nights na Snow White Lady and the Seven Ghosts.

Ang sweet daw ng dalawa at magka-holding hands, pero biglang bumitaw nang makita nito ang mga TV crew.

Kahit close friends pa rin ang sinasabi nila, obvious namang espesyal na ang kanilang pagtitinginan kaya mas bagay nga sana kung sila na ang magka-loveteam.

BOOM : Totoo kayang seryosong nag-usap sina Rich Asuncion at Kylie Padilla sa isang programang magkasabay silang nag-guest kamakailan lang?

Pareho namang nagdi-deny sina Rich at Kylie sa naging relasyon nila kay Aljur Abrenica, pero obvious namang pareho silang higit pa sa close friends ang naging relasyon sa young actor. Si Rich ang past at si Kylie ang present.

Totoo kayang inihabilin na raw ni Rich si Aljur kay Kylie?

Wala namang aamin sa kanila kaya abangan na lang natin kung kailan magkakabukingan.

vuukle comment

ALEXANDRA MILAN

ALFRED VARGAS

ALJUR ABRENICA

DIANA ZUBIRI

DINGDONG DANTES

ENZO PINEDA

IZA CALZADO

KYLIE PADILLA

MARIAN RIVERA

YASMINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with