Daboy nakakatatlong taon na!

Death anniversary ni Rudy Fernandez sa Martes, June 7.

Tatlong taon na ang nakalilipas mula nang bawian si Rudy ng buhay sa ta­hanan nila ni Lorna Tolentino sa White Plains, Quezon City.

Isama natin si Daboy sa ating mga dasal at sa paggunita sa ikatlong taon ng kanyang pagpanaw.

Nakaraos na!

Relaxed na ang itsura ni Iwa Moto nang magpainterbyu siya sa staff ng Startalk.

Obvious na nakaraos na si Iwa sa mga pagsubok sa relasyon nila ni Mickey Ablan dahil nakapag-taping na siya para sa Family Feud na mapapanood bukas.

Ang kanyang ina, kapatid, at stepfather ang mga kakampi ni Iwa sa Family Feud. Hindi yata natunugan ni Mickey na may taping sa GMA 7 studio si Iwa kaya hindi niya napuntahan ang girlfriend.

At kung sakaling malaman ni Mickey na nasa studio si Iwa, mahihirapan siya na makapasok dahil sa kaguluhan na nangyari noon sa taping ng Andres de Saya.

Enzo umamin na tungkol kay Louise

O ayan ha, malinaw ang sinabi ni Enzo Pineda na special sa kanya si Louise Reyes, ang Alakdana star na nali-link sa kanya.

Palalim nang palalim ang friendship nina Enzo at Louise. Hindi ako magtataka kung humantong sa relasyon ang kanilang friendship.

Kumikislap ang mga mata ni Louise kapag si Enzo ang topic. Nahihirapan ang bagets na itago ang feelings niya para sa young actor na umamin na gustung-gusto nito na kasama si Louise.

Tweetbiz nakaka-miss...

Nag-goodbye na ang Tweetbiz sa TV noong Biyernes at nagulat ako dahil parang ang dami-daming nanood ng farewell episode ng aming show sa GMA News TV.

Siyempre, ikinalungkot ko ang pagkawala ng Tweetbiz pero hindi ko mami-miss ang staff dahil sila rin ang mga kasamahan ko sa Startalk.

Magkikita-kita pa rin kami tuwing Lunes para sa aming weekly meeting at every Saturday sa live show namin.

Kung may mami-miss man ako, ‘yon eh ang aking mga co-host na sina Tim Yap, Fabio Ide, at Gelli de Belen na naging close sa akin sa sandaling pagsasama namin sa Tweetbiz.

Asawa ni Alfred sobrang mahiyain

Mahiyain talaga si Yasmine, ang misis ni Alfred Vargas na nagpainterbyu kahapon sa Startalk.

Halos hindi makapagsalita si Yasmine habang tinatanong siya ni Papa Ricky Lo tungkol sa relasyon nila ni Alfred.

Gandang-ganda ako kay Yasmine na may pagkakahawig kay Marian Rivera. Muntik nang maging artista noon si Yasmine pero hindi niya tinanggap ang tempting offer ng isang TV network.

Buntis uli si Yasmine sa second baby nila ni Alfred. Sa tingin ko, babae uli ang ipinagbubuntis ni Yasmine dahil ang ganda-ganda niya at parang hindi hirap sa paglilihi.

Baby boom...

May baby boom sa showbiz dahil sa pagbubuntis nina Manilyn Reynes, Regine Velasquez. Glydel Mercado, Sherilyn Reyes, Angelu de Leon, Carlene Aguilar at Kristine Hermosa.

Nasa kalagitnaan pa lamang ang taon kaya asahan natin na madadagdagan pa ang mga aktres na magbubuntis bago mag-goodbye ang 2011.

Show comments