Manila, Philippines - Isa na namang matinding balitaktakan ang magaganap kasama ang Camarines Sur Governor L-Ray Villafuerte ngayong Sabado ng gabi sa The Bottomline with Boy Abunda.
Mula sa mga angkan ng pulitiko, hindi na bago kay Governor L-Ray ang public at government service. Taong 2004 nang siya ay nahalal bilang gobernador ng CamSur at dito na nagsimula ang malaking pagbabago sa lalawigan. Noon, nakilala ang Camarines Sur bilang isa sa mga pinakamahihirap na probinsiya sa Pilipinas at lugar na laging tinatamaan ng mga bagyong pumapasok sa bansa. Laganap rin diumano ang mga rebelde at NPA sa lugar kaya hindi makausad-usad ang lalawigan.
Subalit sa kabila ng mga tagumpay, pangarap, at pagbabago sa CamSur, sunud-sunod din ang mga kontrobersiya sa gobernador. Mainit pa ring pinag-uusapan ang matinding away nila ni DILG Secretary Jesse Robredo. Gaano katotoo na may mga unliquidated cash advances diumano ang CWC? May itinatagong baho diumano si L-Ray kaya hindi nito sinusuportahan ang Circular Memo na ipinasa ni Sec. Robredo tungkol sa full disclosure at transparency ng mga LGU budget and expenses.
Sasagutin niya ang matitinding tanong ng taongbayan ngayong Sabado ng gabi sa The Bottomline with Boy Abunda pagkatapos ng Banana Split primetime.