Black book dalawang taon bago nabuo

Manila, Philippines - Maraming nagkaka-interes sa Black Book ng GMA 7.

Ginastusan kasi ito at iniba ang hitsura ng mga artistang alaga ng GMA Artists Center sa pangu­nguna ni Ida Ramos-Henares na nagkaroon nga ng launching kamakailan sa Republiq.

Hindi naging hadlang ang ulan at bagyong si Bebeng para hindi ito matuloy.

Ang sermonya ay sinimulan ni Atty. Felipe Gozon, GMA president and chief executive officer sa pamamagitan ng pagbibigay ng maikling mensahe.

Naroon din ang ibang GMA executives na pinamumunuan ng GMAAC head Ida Ramos-Henares, vice president for talent management division. Kabilang din sina Atty. Annette Gozon-Abrogar, president of GMA Films, at iba pang GMA executives Joey Abacan, Marivin Arayata, Gigi Santiago-Lara, at Reggie Bautista.

Masaya si Mr. Gozon na nakapag-produce na sila ng mga sariling talent at hindi na sila umaasa sa mga artistang galing sa ibang bakuran.

 Nagtrabaho sa libro para mabuo ang mga bantog na fashion photographers Doc Marlon Pecjo at ang kanyang mga assistants na sina Roy Macam, Ria Regino, at Kench Genato; Xander Angeles, at Jay Tablante; at ang mga A-1 stylists na pinamumunuan ni Millet Arzaga, make-up artists na pinamunuan naman ni Mickey See ng Shu Uemura at ang pinaka-magagaling na designers at hairstylists sa buong mundo.

 “It took us two years to complete this catalogue and we are very happy to present it to you as it is today. We are very happy with the output. Here’s hoping to more years of success at the GMA Artist Center as we celebrate our 10th year,” pagmamalaki ng GMAAC Boss Ida.

Show comments