Captain Barbell nakakalito!

Super heroine na rin pala sa Captain Barbell si Jillian Ward. Baka naman dumating ang araw na lahat ng tauhan sa nasabing serye ay may powers na at super heroes ng lahat. Hindi ko alam kung ano ang plano ng mga sumusulat ng kuwento ni Captain Barbel. Marami pero ang daming nakakausap ko na nagsasabi na nalilito na sila sa rami ng mga super heroes and super villains sa nasabing serye. Puwedeng may isa o dalawa siyang nemesis pero gusto nila si Richard lang ang bida.

Tanya hindi namimili ng role

Nagbabalik-telebisyon pala ang magandang misis ni Mark Lapid na si Tanya Garcia. Pinayagan pala ito ng kanyang mister tutal medyo malalaki na ang mga anak nila.

Hindi naman mahihirapan si Tanya na mag-comeback dahil bukod sa napakaganda pa rin ay hindi naman namimili ng role. Puwede siyang kontrabida, mother role, at kahit anong role, basta, gusto lang niyang umarteng muli.

Ervic kung kani-kanino muna na-link bago napunta kay Rich

Siguro naman sa tulong ni Ervic Vijandre, tuluyan nang makaka-move on si Rich Asuncion sa naging relasyon nila ni Aljur Abrenica. Balitang may magandang namamagitan sa kanilang dalawa na hindi na nila kailangang itago pa dahil pareho naman silang libre. Bagaman at maraming na-link na babae kay Ervic, kay Aljur lamang nabalita ang ex beauty queen. Baka nga kung maging sila eh mag-iba rin at gumanda ang takbo ng kanilang mga career. 

Anak ni Maritoni kinabubuwisitan

Effective sigurong kontrabida ang anak ni Maritoni na si Lexi Fernandez dahil maraming kunsuming-kunsumi sa kanya. Ganito rin ang damdamin ng friend ko sa batang gumaganap ng anak ni Katrina Halili sa Munting Heredera.

Show comments