Pero nagsasama pa rin daw sa iisang bubong, parents ni Sarah hiwalay na?!

Mama Salve, puwede ba na tanungin mo si Divine Geronimo, tungkol sa kumakalat na tsismis na nakapagpa-bother sa akin?

May nagkuwento sa akin na kalat na ang tsismis na hiwalay na si Divine at ang kanyang mister na si Delfin pero nagsasama pa rin sila sa iisang bubong para hindi makaapekto ang isyu sa career ng kanilang anak na si Sarah.

Ayokong basta maniwala sa mga sabi-sabi. Paniniwalaan ko lang ang balita na narinig ko kung mismong ang nanay ni Sarah ang magkukumpirma o magde-deny.

Sa launch ng bagong album ni Sarah ang huling pagkikita namin nila ng kanyang Mommy Divine. Hindi pa pumuputok noon ang tsismis or else, ako mismo ang magtatanong sa mag-ina.

Si Divine lang ang kasama noon ni Sarah. Wala naman akong napansin na kakaiba sa kanilang mga ikinikilos dahil tawa pa rin nang tawa si Sarah habang sinasagot ang mga tanong ng mga reporters. Walang-wala sa face ng mag-ina na may problema sila na dinadala.

Kaya para sa ikakapanatag ng aking kalooban, tawagan mo na, Mama Salve, si Divine para mabigyan niya ng linaw ang mga bagong pang-iintriga sa kanilang pamilya.

Mga isda ni Marian pinag-iinteresan

Interesado ang PSN reader na si Norma Canlas na malaman ang klase ng fish collection ni Marian Rivera.

Obvious na big fan ni Marian si Norma kaya gusto rin nito na magkaroon ng isda na inaalagaan ng kanyang hinahangaan na aktres. 

Alang-alang kay Norma, itatanong ko kay Marian ang uri ng isda na kanyang inaalagaan. (Parrot fish daw po. - SVA).

Basta ang sure ako, hindi ’yun big fish o fish kill!

Gov. Vi tutulong

Nalungkot ako nang makita ko ang libu-libong isda na namatay sa mga palais­daan sa Batangas at sa Pangasinan.

Apektado ng fish kill ang kabuhayan ng mga mangingisda sa Batangas pero hindi sila dapat mag-worry dahil magbibigay ng tulong sa kanila si Batangas Governor Vilma Santos.

Kung nakakaloka ang bilang ng mga isda na sumakabilang-buhay, mas nakakaloka ang mga kababayan natin na pasaway at hindi pinakikinggan ang payo ng Department of Health na huwag kainin ang mga namatay na isda dahil masama ito sa kalusugan.

Ipinagmamalaki pa ng mga pasaway ang pagkain nila sa mga isda. Ewan ko lang kung makapagyabang pa sila kapag sumakit na ang kanilang tiyan dahil sa katigasan ng ulo nila.

Pacman kinabiliban sa pag-uurong ng demanda

Marami ang pinahanga ni Congressman Manny Pacquiao dahil sa kanyang desisyon na huwag nang ituloy ang demanda niya laban kay Oscar Dela Hoya.

Natuwa si Oscar sa move ni Manny dahil nabawasan ang kanyang legal problems. Pinagbintangan ni Oscar na gumagamit ng steroids si Manny pero lumabas ang katotohanan na siya pala ang lulong sa paggamit ng mga ipinagbabawal na droga. Ang cheap niya ha? 

May balita na nagpaplano si Oscar na bumalik sa paglalaro ng boxing. May babalikan pa ba siya eh turn off ang boxing fans sa pagiging addict niya!

Hmp! Tama ba na magpaapekto ako kay Dela Hoya eh hindi naman kami magkakilala at wala akong pakinabang sa kanya?

                                         

Show comments