Dagul matatangkad ang 3 anak

MANILA, Philippines - May walong buwan na mula noong nanalo si Dagul bilang kagawad, pero hindi pa rin nawawala ang kanyang kasiyahan sa paglilingkod.

“Maraming na-encounter na problema pero na-solve ko rin at saka nakakataba ng puso na nakakatulong at napagsisilbihan ko ang aking mga ka-barangay,” wika ni Dagul, Romeo Pastrana sa tunay na buhay, tungkol sa kanyang mga ka-barangay sa Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal.

Matatandaan na nakakuha siya ng pinakamaraming boto sa kanilang lugar sa eleksiyon noong nakaraang taon.

Kaya rin nagagawa ni Dagul na magpangiti-ngiti sa rami ng responsibilidad ay dahil na rin siguro nakakapag-relaks siya bilang isa mga kasama sa Goin’ Bulilit, isang show na mapapanood sa ABS-CBN. Kung tutuusin, malikot na kasama ang mga bata pero kayang-kaya niya ito.

“Siyempre naman, talagang hahabaan mo lang talaga ang pasensiya mo,” wika niya.

Kaya niya naman nasasabi ito ay dahil tatay siya ng tatlong batang lalaki na sina John Rojen (17 years old), John Clief (15 years old) at si John Jhero (8 years old). Si John Clief ang makikitang buhat-buhat ang kanyang ama sa television commercial ng Purefoods Star Hotdog, na kumuha kay Dagul bilang endorser.  

Matatangkad ang mga anak ni Dagul kaya’t kuntento na siyang tumangkad sa ibang bagay. “Hindi ko na pinangarap ang tumangkad nung bata ako. Alam ko namang walang pag-asa,” patawang sambit niya.

“Kaya naman sa pag-aartista, naabot ko ang aking pangarap sa pamamagitan ng pagsisikap at pagtitiyaga.”

Hindi man katangkaran, mas importante kay Dagul ang maging matangkad para maabot ang mga pangarap.

“Sa mga bata, lagi kayong uminom ng vitamins at gatas, kumain ng gulay at pati na rin ang Purefoods Star Hotdog na pampatangkad, matulog ng maaga, mag-aral ng mabuti at sumunod sa payo ng inyong mga magulang,”patapos ni Dagul.

Show comments