^

PSN Showbiz

Male celebrity na asawa ng dating actress nakademanda sa Amerika

RATED A - Aster Amoyo -

Alam mo, Salve A., hindi na talaga nadala ang kilalang male celebrity-turned businessman na ito sa pagiging swindler for his personal gain. Ginagamit niya ang kanyang pagiging guwapo at articulate para maengganyo niya ang ibang tao para mag-invest sa negosyo na siya mismo ang magpapatakbo. At huwag ka, hindi lamang ito maliliit na halaga. Mil­yones ang involved. Noon pa man ay noted na ang pagiging manloloko sa kapwa ng male celebrity na ito na kung tutuusin ay wala naman talagang career to speak of. 

Pero nag-work to his own advantage ang kanyang pagiging bolero kaya marami siyang taong naloloko. At one point, kinuwartahan lamang niya ang kanyang dating live-in girlfriend na isang kilalang artista. Hindi sila nagkatuluyan ng kanyang dating actress-girlfriend pero nakapag-asawa siya sa isang starlet na may strong business connection. Dahil dito, lalong lumakas ang loob ng male celebrity na ito para maisakatuparan niya ang kanyang mga plano. High profile ang kanyang dating bilang isang businessman kaya marami siyang nabobola. 

At one point, living in style ang nasabing male celebrity and his family na nakatira sa isang posh subdivision. He was also driving a luxury car hanggang sa dumating ang puntong nabuking siya ng kanyang mga financiers sa negosyo na siya at ang kanyang pamilya ang nagpapasasa sa pera na hindi sila ang nagmamay-ari. Dahil sa malaking eskandalo at kaso na kakaharapin, minabuti ng male celebrity and his family na mangibang bansa para matakasan ang malaki niyang pagkakautang at perang nadispalko sa mga investors ng negosyong itinatag.

Ang akala ng marami na tahimik na ang buhay ng male celebrity at ang kanyang pamilya sa Amerika pero hanggang doon ay patuloy pala ito sa “paghahasik ng lagim.” Meaning, kung ano ang ginawa niyang panloloko sa Pilipinas ay ginagawa rin niya sa Amerika. 

Ayon sa aming very reliable source, may kinakaharap na $2M na pagkakautang ngayon ang male celebrity at kung hindi niya ito masi-settle, tiyak na patung-patong na kaso ang kanyang kakaharapin sa Amerika lalo’t determinado ang kanyang mga pinagkakauta­ngan na siya’y idemanda o baka nakademanda na. Hindi na rin makakabalik sa Pilipinas ang swindler dahil warrant of arrest ang naghihintay sa kanya paglapag pa lamang niya ng airport.

Nakalulungkot, Salve A., dahil kung tutuusin, nababaitan kami sa male celebrity na ito ganundin sa kanyang misis. Nakadalo pa kami noon sa grand wedding ng celebrity couple na ito na dinaluhan pa ng mga prominenteng persona­lidad sa showbiz at sa negosyo.

Robin mukhang kaedad lang ni Bea ang hitsura

Mukhang kaabang-abang ang unang tambalan sa telebisyon ng action superstar na si Robin Padilla at drama princess na si Bea Alonzo sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN, ang Guns and Roses na magsisimulang matunghayan gabi-gabi sa darating na Lunes, June 6. Ito’y pinamamahalaan ng dalawang kilalang direktor na sina Trina Dayrit at Rechie del Carmen at binubuo ng isang powerhouse cast. 

Sa presscon ng Guns and Roses na dinaluhan ng buong cast ng programa, nagmukhang bagets si Robin sa kanyang bagong look at hindi nagmukhang anak na lamang niya si Bea. 

Bawat isa sa cast ay proud sa Guns and Roses na kakaiba ang tema.  Ito rin ang magiging senyales sa pagbabalik-telebisyon ni Robin na ang huling teleserye ay ang Totoy Bato sa bakuran ng GMA.

Vic at Angela mukhang may relasyon pa rin

Napakaganda ng relasyon ng TV host-comedian at producer na si Vic Sotto sa ina ng kanyang teenage daughter na si Paulina sa dating beauty queen-actress na si Angela Luz. Kahit nali-link sa ibang babae si Vic, hindi ito isyu kay Angela na nanatiling kaibigan ni Vic dahil na rin nga sa kanilang anak na si Paulina.

Dalawang beses na naming nakita si Vic kasama sina Angela at Paulina na kumain sa isang fine di­ning restaurant sa Bonifacio Global City. Kung hindi natin alam na matagal nang wala sina Vic at Angela, mapapagkamalang sila pa rin at   isang happy family.

Last Tuesday evening, hindi lamang ang mag-inang Angela at Paulina ang ka-dinner ni Vic kundi maging ang parents ni Angela na parehong close sa sikat na TV host-comedian hanggang ngayon.

For sure, close rin si Vic kay Coney Reyes dahil meron silang anak, si Vico, na binata na rin ngayon.

Samantala, hindi kami magtataka kung papasukin din ni Paulina ang pag-aartista tulad ng kanyang mga nakatatandang kapatid na sina Danica at Oyo. Maganda si Paulina at artistahin din ang kanyang beauty. Pero sa halip na showbiz ang kanyang pagkainteresan, mas focused ito sa kanyang studies at paggu-golf na nagbigay na sa kanya ng maraming karangalan hindi lamang dito sa Pilipinas kundi ma­ging sa ibang bansa.

Alfred at Kring-Kring dadalhin ang Toto sa Tacloban

Punong-abala na naman ngayon ang mag-asawang Mayor Alfred at Councilor Kring-Kring Romualdez sa paghahanda para sa nalalapit na fiesta ng Tacloban City ngayong June 30. Ang isa sa pinakaaabangan ay ang Sangyaw Festival Pa­rade na nakatakdang maganap sa June 29 ng ha­pon. Isang week-long celebration ang taun-taong inaabangan hindi lamang ng mga Taclobanons kundi ma­ging ng mga turista na nagmumula sa iba’t ibang lugar. Bukod sa mga kilalang showbiz personalities, ina­abangan din ang rare live concert ng sikat na international band, ang Toto, sa Tacloban Astrodome sa gabi ng June 28.

Magmula nang maupo si Mayor Alfred at ang first councilor na si Kring-Kring ay lalong nag-boom ang siyudad ng Tacloban.

Bukod sa kanyang role bilang First Lady at councilor ng Tacloban, hindi rin siyempre pinababayaan ni Kring-Kring ang kanyang papel bilang maybahay ni Mayor Alfred at ina ng kanilang dalawang anak na sina Sofia (12) at Diana (8) ganoon din sa pagpapatakbo ng kanilang restaurant business (Patio Victoria sa Maynila at Tacloban) at dalawang salon, ang Cristina Beauty Salon & Spa sa Tacloban.

May mga balitang lumalabas na ginu-groom na umano si Kring-Kring na tumakbo sa pagka-gobernador ng Leyte at malaki ang kanyang chance na siya’y makalusot.

vuukle comment

ANGELA

KANYANG

KRING

PAULINA

TACLOBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with