Instant Beauty tampok sa Life and Style

MANILA, Philippines - Sa modernong panahon ngayon ay maraming bagay na instant” tulad ng noodles, café, ulam, popcorn at mga cooking mixes.

Sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes ng GMA 7 News TV ngayong Sabado alas-onse ng umaga’y tampok naman ang Instant Beauty.

Ayon sa host-producer ng show na si Mader Ricky : “Dapat lahat tayo’y maganda. Kahit ‘di ka kagandahan nang ipinanganak ay marami namang paraan para mabago ang iyong anyo.”

Ipapasyal tayo sa Beverly Hills 6750 para makita natin ang isang makabagong paraan ng pagpapagawa ng mukha at katawan sa pama­magitan ng Curvex Advance Body Contouring Machine. Ginagawa ito para pampabata at pagkakaroon ng seksing figure.

Panauhin sa programa si Dr. Don Magala na isang sikat na dentistang magde-demo kung paano niya ginagawa sa isang pasyente ang Gum Depigmentation at Teeth Bleaching. Matapos ang gamuta’y masayang ngiti na ang puwedeng mamutawi sa labi ng mga pasyente ni Doc.

Sa pamamagitan naman ng modelong si Bingbing Pabular ay ipakikita ni Mader ang dalawang bagong pampaganda offered sa 40 Gandang Ricky Reyes Salon na Refresh Facial Spa at Refresh Hair Spa. Ibibida rin ni Bingbing ang mga pinagdaanang pagpapaganda na ‘di lang nagbago ng kanyang anyo kundi nagbigay din sa kanya ng self confidence.

May bonus pa para sa mga tagahanga ng mga artistang banyaga.

Ibabahagi ang mga beauty secrets ng ilang sikat na aktres sa Hollywood.

Tutok lang para malaman kung sinu-sino sila.

Ang LSWGRR ay produksiyon ng Scripto­Vision.

Show comments