^

PSN Showbiz

Patrick at Jennylyn bagay pa rin!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Nakita ko sa TV ’yung pictorial nina Jennylyn Mercado, Patrick Garcia, at ang anak nilang si Alex Jazz at talaga namang mukha silang isang pamilya.

Sayang at hanggang sa pagiging magkaibigan lamang ang kinahantungan ng relasyon nina Patrick at Jennylyn. Para kasing napakaganda nilang pagmasdan na magkakasama.

Sharon magta-transform sa kanyang programa

Tama lang ’yung desisyon ni Sharon Cuneta na samahan sa kanilang misyon na pumayat ang mga nagtatabaang kandidato sa kanyang bagong prog­rama. Hindi lamang siya magsisilbing host ng bagong programa, makakasama rin nila siyang magpapayat. Magiging doble ang kasiyahang matatamo ng mga sumusubaybay sa programa dahil isang bagong Megastar ang makikita nilang magta-transform.

Maganda ang konsepto ng The Biggest Loser Pinoy Edition. Mas maganda nga siguro kung merong may pangalan silang participant. Oo nga, bakit hindi nila naisipan na magsali ng celebrity, para man lamang may magbigay ng ins­pirasyon sa maraming artista rin tulad nina Ryan Yllana, Marissa Sanchez na magpapayat din?

But then, come to think of it, baka naman sila mawalan ng hanapbuhay kapag pumayat sila? ’Yun naman ay kung gusto lang nilang pumayat — mawalan man sila ng trabaho o hindi.

Anak ni Valerie may alam na

Buti pa ’yung anak ni Valerie Concepcion, maliit pa ay may natutunan ng napakagandang values. Sinasabi nito sa kanyang ina na bagama’t gustung-gusto niyang magkaroon ng kapatid, kinakailangan munang magpakasal ito bago magkaroon ng kaganapan ang hiling niya.

Bravo sa iyo, Valerie! Maganda mong napapa­laki ang anak mo. At least, mapipilitan kang mag-asawa muna kung gugustuhin mo siyang bigyan ng ka­patid.

Jackie nakakaarte na rin

Hindi pala bida kundi kontrabida ang role ni JC Tiuseco sa Sisid. Masugid pala siyang manliligaw ni Jackie Rice na pinipilit ng kanyang mga magulang (Daniel Fernando at Angelu de Leon) na ipakasal sa kanya pero ayaw siya ng dalaga. Hindi siya nito gusto kaya alam mong gagawa ito ng paraan para makuha niya ang dalaga kahit sa masamang paraan.

Maganda ang Sisid. Bukod sa kakaiba nitong set na nasa dagat dahil pangingisda ang kabuhayan ng mga pangunahing tauhan at maninisid ng perlas si Jackie. Bago ang kumbinasyon ng mga artista, puwede na rin palang magbida ni Jackie. Bukod sa maganda, nakakaarte na rin siya.

vuukle comment

ALEX JAZZ

BIGGEST LOSER PINOY EDITION

BUKOD

DANIEL FERNANDO

JACKIE RICE

JENNYLYN MERCADO

MAGANDA

MARISSA SANCHEZ

PATRICK GARCIA

RYAN YLLANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with