^

PSN Showbiz

Kapwa pulitiko nagtataka na misis ng pulitiko parating nagso-solo

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Naawa ang isang pulitiko sa isang misis ng kapwa niya pulitiko.

Ang rason, madalas daw mag-isa sa mga okasyong pinupuntahan si misis.

At pag tinanong mo raw ito kung nasaan ang kanyang asawang elected official, parating ang sagot nito, busy or natutulog sa bahay.

Ang siste raw kasi, nagmumukhang kawawa si misis sa paningin ng mara­ming tao dahil nagso-solo nga ito kadalasan sa mga okasyong dapat ay kasama ang mister na pulitiko.

Hindi raw tuloy maintindihan ng mga kapwa niya pulitiko ang nangyayari sa mag-asawa na kahit nababalitang nanganganib ang pagsasama ay hindi naman naghihiwalay.

Pero bakit nga ba parating nagso-solo si misis? Bakit hindi humarap ang mister niyang pulitiko sa mga okasyon na dapat ay andun siya?

Sharon malaki na ang ipinayat

Nakaka-excite panoorin ang bagong programa na The Biggest Loser Pinoy Edition hosted by Sharon Cuneta sa ABS-CBN.

Abangan natin kung kakayanin nilang papayatin ang 12 na kasali sa bagong programa ni Mega na pang-primetime.

Aba hindi madaling magpapayat kahit anong diet ang gawin mo.

At least kakaibang palabas ito. Hindi iyakan o dramahan. Talagang kailangan mong bantayan.

Pero in fairness kay Sharon, sa plugging ng programa, pumayat na siya. Malaki na ang nabawas sa timbang niya.

Malamang na pag nakipagsabayan siya sa pagpapayat ng mga contestants ng programang hino-host niya, baka bumalik sa dati ang katawan niya.

Mapapanood gabi-gabi ang The Biggest Loser Pinoy Edition.

Kapamilya stars bibida sa the Kitchen Musical

Aariba ang mga Pinoy dahil pagbibidahan ng ABS-CBN stars na sina Karylle, Christian Bautista, at Joseph “Thou” Reyes ang pinaka-unang Pan-Asian television musical TV series na The Kitchen Musical ngayong Oktubre na gagawin sa Singapore at ipapalabas sa 17 bansa sa Asya kabilang na ang Pilipinas via Studio 23.

Isang orihinal na likha ng The Group Entertainment, ang multi-million franchise na The Kitchen Musical ay pinagsama-sama ang drama, musika, sayaw, at nakakatakam na mga recipe sa 13 na one-hour episodes na nakasentro sa mundo ng pagluluto.

Ito ay kuwento ng isang mayamang dalaga na kakalabas lamang ng culinary school sa Paris at sasabak sa tunay na mundo nang siya ay magtrabaho sa the Avilon, ang restaurant ng kanyang ama.

“Inaasahan namin na magugustuhan ng mga Pilipinong manonood ang The Kitchen Musical dahil sa kuwento, mga karakter, at mga kanta,” sabi ni March Ventosa, managing director of Studio 23.

“Tiyak na maipagmamalaki natin ang talento ng mga Pilipino sa TV series na ito at makikita ng ibang bansa ang galing at husay ng Filipino artists sa pangunguna nina Karylle and Christian na napili para sa mga mahahalagang role.

“Hindi pa nagagawa ang isang musical TV series tungkol sa hilig ng mga taga-Asya sa pagkain. Gusto namin gumawa ng panibagong konsepto para sa mga manonood sa iba’t ibang panig ng mundo na nagpapakita pa rin ng impluwensiya ng rehiyon,” sabi ni Cheek, ang Executive Vice-President at Creative Director ng The Group Entertainment.

Aalis pansamantala sina Karylle, Christian, at Thou sa bansa at mananatili sa Singapore ng apat na buwan kung saan sasailalim sila sa pagsasanay para sa kanilang mga papel bilang mga cook.  

Gagampanan ni Karylle ang papel ni Maddie, isang talented graduate ng Le Cordon Bleu sa Paris at bagong Sous Chef. Pinanganak sa marangyang buhay, susubukan ni Maddie na patunayan ang sarili sa kusina ng masungit at perfectionist na si Executive Chef  Alex Marcus na gagampanan ng tanyag na movie at Broadway actor na si Stephen Rahman-Hughes.

Bibigyang buhay naman ni Christian ang papel ni Daniel, ang kababata ni Maddie at kapwa chef sa restaurant, habang si Thou naman ay isa sa mga tagapagluto sa kusina.

Kasali rin sa cast ang mga Pinoy na si Arthur Acuna, isang New York-based na stage at screen actor, at Ikey Canoy, isang theater actor at founding member ng Filipino all-male acapella singing group na Akafellas.

Ang unang episode ng The Kitchen Musical ay eere sa Sunday’s Best sa ABS-CBN. Matutunghayan naman ang buong season nito sa Studio 23. Mapapanood din ito sa nTV7 (Malaysia), Metro TV (Indonesia), at sa 19 iba pang bansa sa Asya via AXN.

Abangan ito sa Oktubre.

vuukle comment

ABANGAN

ALEX MARCUS

ASYA

BIGGEST LOSER PINOY EDITION

GROUP ENTERTAINMENT

ISANG

KARYLLE

KITCHEN MUSICAL

MADDIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with