Short films handog ng NESTLÉ sa ika-100 taon
MANILA, Philippines - Maraming exciting na activities ang inihanda ng Nestlé para sa kanilang 100 years sa Pilipinas. Una na rito ang centennial TV ad Kasambuhay, Habambuhay o Companion in Life, For Life.
Ayon sa Nestlé chairman at CEO na si John Miller, “The centennial TV commercial is inspired by love for the family, a cultural trait which unites Filipinos. We are grateful because through the years, Nestlé products have become very much a part of the Filipino families’ way of life, from generation to generation, in various stages of their lives.”
Ang nasabing TV ad ay isa lang sa maraming kuwento kung paano naging Kasambuhay ang Nestlé ng pamilyang Pilipino. Sa maraming nagdaang mga taon, ang telebisyon ang naging daan para mailahad ang mga kuwento ngunit limitado lamang sa 30, 60, o minsan 90 seconds. Napakaraming kuwento pero kulang sa oras. Hindi na ngayon dahil isa sa mga handog ng Nestlé ay ang 100-minute anthology ng 10 short, entertaining, and creative films. Ito ay sa direksiyon ng piling commercial directors na naging bahagi ng mga Nestlé TV commercials.
Nagbigay ng iba’t ibang istorya ang mga direktor, nasa isip ang mga brands ng Nestlé gaya ng Bear Brand Powdered Milk Drink, Nescafé, Milo, Nestea, Nido, Coffee-Mate, Maggi, Bear Brand Sterilized, Nestlé Ice Cream, Koko Krunch, Nestlé Fruit Selection Yogurt, at Nestlé Fitnesse. Sari-saring kuwento ang naisip — may personal o ’di kaya ay experimental pero lahat ay makulay at kakaiba. Isa lang ang kuwento sa bawat brand at matapos ang mahabang proseso, napili ang sampu na may drama, romantic comedy, musical, fantasy, satire, family comedy, suspense, adventure, mock-umentary at Shakespearean parody.
Sabi pa ni CEO John: “Creativity plays a central role in this mission and these excellent films display the very best of Filipino creative talent in the realm of film making.”
Dagdag naman ni Leslie Go-Alcantara, Nestlé Philippines creative services head, “We are very excited about the films which we are working on with the Publicist team headed by Matec Villanueva and Jayel Ladioray. We hope the films will be a meaningful way to engage consumers, because the centennial celebration is really all about them.”
Ang nasabing short films ay may premiere night sa June 10 sa SM Megamall. Sa June 11 at 12, simula ng 11 a.m. naman ang Free Movie Weekend sa mga piling SM Cinemas gaya ng Megamall Cinema 3, Southmall Cinema 6, Rosales Cinema 1, Davao Cinema 1, at Cebu Cinema 7. Screening starts at 11 a.m. Eto ang dagdag na magandang balita – bukod sa libre na nga makapanood, may five lucky viewers (1 per cinema) ang maaaring manalo ng P10,000 kapag bumoto ng kanilang paboritong short film.
Talaga namang once-in-a-lifetime project ito. Enjoy na dahil baka sa susunod na 100 taon pa bago maulit ito!
- Latest