^

PSN Showbiz

Patrick nagulat sa pagsulpot ni Jennylyn sa pictorial para sa magasin

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Mamayang gabi na magsisimula ang pina­kamalaking proyekto para sa GMA Telebabad — ang epic serye na Amaya.

Si Dingdong Dantes ang isa sa pinaka-excited sa proyektong ito ni Marian Rivera dahil kitang-kita namang ginastusan ito ng GMA 7 para mapaganda lang. Pero ang isa sa magandang rason, ayon kay Dingdong, ay educational ito.

Kahit siya ay medyo napi-pressure rin sa pagsisimula ng Amaya dahil malaking challenge ito kay Marian. Pero kampante naman siyang susuportahan ito ng mga tagasubaybay ng aktres at ng kanilang love team.

PAK : Nagkaroon ng pictorial sina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado kasama ang kanilang anak na si Alex Jazz para sa isang magazine nung nakaraang araw.

Pumayag si Jennylyn na gawin ‘yun para sa kanilang anak para paglaki nito ay makikita niyang nagkaroon din ng panahong magkasama silang tatlo para makita nitong buo ang pamilya.

Nagulat lang si Patrick pagdating sa pictorial dahil hindi pala nito alam na kasama rin si Jennylyn. Ang buong akala nito, silang mag-ama lang ang kukunan. Pero okay na rin kay Patrick na magkasama silang tatlo alang-alang sa kanilang anak.

 Naging magkaibigan naman sila ngayon ni Jennylyn at gusto lang niyang iparating sa ina ng kanyang anak, nandiyan lang siya para suportahan ito. Dagdag pang hiling ni Patrick para kay Jennylyn, sana makakita na ito ng tamang lalaki para sa kanya.

BOOM : Emotional at maintriga ang palitan ng vows nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Rep. Lani Mercado sa kanilang silver wedding na ginanap sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus nung Sabado.

Nakaka-touch ang mga pahayag nila para sa isa’t isa.

Say ng groom: ‘You are the only soul meant on this earth for me. I’m yours alone forever.

‘I will not change a bit from the first Bong you loved and married.’Hindi napigilan ng bride ang maluha, at lalong umagos ang mga luha nito nang siya naman ang nagsalita para sa asawa.

Bahagi ng nakakaintrigang pahayag ni Lani kay Sen. Bong: ‘I don’t expect hurt anymore from ‘you know what department’ from now on, Papa. Thank you for being my greatest leading man. Sana mahalin mo pa ako lalo na ngayong ako’y lola na.’

Naluha rin ang mga anak ng mag-asawa lalo na si Inah na nagsi-celebrate din nung araw na ’yun ng wedding anniversary nila ng asawa niyang si Vince del Rosario.

Sa reception nila na ginanap sa Harbour Tent ng Sofitel Hotel, doon na nag­dagsaan ang mga kaibigan mula sa showbiz at politics.

ALEX JAZZ

AMAYA

BONG REVILLA

DINGDONG DANTES

HARBOUR TENT

JENNYLYN

PARA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with