Male TV host parang sikat kung mag-charge ng TF

Tuloy na ang more than a month na bakasyon ni Sarah Geronimo sa Amerika. Tulad ng sabi niya, sasamantalahin na rin niya ang nasabing bakasyon. Mag-a-attend siya ng dance and music lesson.

Malamang din na matuloy na sa trip na ito ni Sarah ang inaabangang collaboration nila ng international singer na si Charice, ayon sa isang malapit sa Pop Princess.

Yup, malaking-malaki ang posibilidad na maayos na ang matagal nang inaabangang kanta nila na si Charice mismo ang nagsulat.

Anyway, may naiwan namang album si Sarah, ang One Heart under Viva Records, na pinagpipiyestahan ng mga fans niya ngayon. Pagbalik din ng Pop Princess ay malamang matuloy na ang pelikulang pagsasamahan uli nila ni Gerald Anderson after ng super successful nilang team up sa Catch Me... I’m in Love.

* * *

Parang ang babait nina Kris Aquino, AiAi delas Alas, at Mr. Freddie Garcia sa Pilipinas Got Talent. Kung sabagay, nasala na kasi nila ang mga finalists kaya siguro bait-baitan na sila sa mga contestants na karamihan sa napanood ko last Saturday ay pagkanta ang panlaban. Isa lang ang naiba, ang pole dancer.

* * *

Grabe naman pala kung maningil ang isang hindi kasikatang TV host kaya wala siyang gaanong trabaho. May isang kakilala ako ang nagulantang nang presyuhan sila nitong hindi nga kasikatang TV host.

“Hindi ko ini-expect na ganun ha? Akala namin cheap lang siya kasi iisa ang regular show, ’yun pala mas mahal pa sa co-host sa programa niya,” emote ng kakilala ko.

Malamang daw na ’yun ang rason kaya wala itong ga­anong trabaho sa kasalukuyan. Hindi naman maghapon ang event na iho-host sana at kahit paano ay makakatulong ito sa career niya pero ayun, nag-presyo agad. Actually, sayang din ’yun. Kung pumayag siya, may free exposure sana siya. Kailangan niya ’yun kung tutuusin. Magaling nga siya kung isa lang naman ang show niya, wala rin.

Show comments