Angelica ayaw paniwalaan ang paliwanag ni Erich

Ano nga kaya ang totoo sa kabila ng sinasabi nilang pagdi-date nina Derek Ramsay at Erich Gonzales? Ito ba ‘yung sinasabing pagsama ng aktres sa bahay ng actor? Pero hindi ba naipaliwanag na ito ni Erich? O baka naman ayaw tanggapin ng publiko ang dahilan niya at gusto nilang sabihin na dapat ay hindi na lang siya sumama. Pagtataksil ba sa pagkakaibigan nila ni Angelica Panganiban na girlfriend ni Derek ang ginawa niya?

Maaring wala siyang masamang intension sa ginawa niyang pagsama kay Derek at may kasama naman sila pero, para sa isang umiibig na tulad ni Angelica, siyempre hindi mo maaalis na magselos ito. Pero, hindi ba tumulong si Derek ng pagpapaliwanag? I’m sure kung hindi pinaniwalaan ni Angel si Erich, paniniwalaan niya ang bf niya. 

Dingdong at Iza walang chemistry hanggang sa ending

Cute ‘yung ending ng I Heart You Pare.  ‘Yun nga lang, nagtapos ang serye na hindi kinakitaan ng chemistry sina Dingdong Dantes at Iza Calzado. Wala silang kasalanan dahil bigla ang pagtatambal sa kanila. Si Iza din naman kahit magaling na artista kitang ‘di kumportableng maging bakla at minsan nawawala siya sa kanyang role at hindi napapansing nagiging babae siya. Hindi na lang siguro pinansin ng direktor dahil magtatapos na rin lang ang serye. Tailor-made talaga kay Regine Velasquez ang role ni Tonette. Mabuti na lang at nang mawala siya ay patapos na ang serye. 

Ugali ni Iwa kakaiba

Totoo namang hindi pangkaraniwang behavior ‘yung nakita kay Iwa Moto nang mag-away sila ng kanyang ex sa bakuran ng GMA 7 at ang sumunod na pagtatangka niya sa kanyang buhay.

Talagang nangangailangan nga siya ng tulong ng isang doctor kundi baka maulit muli ang kanyang ginawa.

Sa halip kasi na makatulong sa kanya ang kanyang ex ay lalo pa nitong pinalalala ang depresiyon niya.

Siguro dapat ay hindi muna sila nagkikita.

Nauuso!

Nauuso yata ang mga aksidente ngayon, lalo na sa sasakyan. Kaya kailangan dobleng ingat hindi lamang sa mga nagmamaneho kundi maging sa mga sumasakay. Iba na ‘yung maingat bagaman at ang aksidente ay nangyayari kahit na sa pinaka-maingat.

Nevertheless, iba na ‘yung maingat, ‘yung ang ginagamit sa pagmamaneho ay defensive driving at hindi init ng ulo.

Pinag-iingat ko rin ‘yung mga kabataang artista na lubhang mapusok magmaneho, parang walang kamatayan.

Maganda pa ang kinabukasan n’yo kaya huwag madaliin ang buhay sa walang prenong pagmamaneho.

Show comments