Tuloy na tuloy na ang pelikulang pagsasamahan nina Dingdong Dantes at Kris Aquino.
Hinihintay na lang nilang lumabas ang resulta ng mapipiling official entries sa Metro Manila Film Festival 2011 at most likely sisimulan na nila ang shooting.
Pero wala pa silang director o kahit script man lang dahil namimili pa sila ng magandang material. Ang isang sure lang, horror ang tema nito.
Silang dalawa rin ni Kris ang producer ng pelikula.
At hindi ito ang mauunang movie project ni Dingdong as co-producer. Simula pa lang ito dahil ganitong pattern naman ang gusto niyang gawin.
Yup, meron pa siyang mga naka-line up na pelikula pero wala pang definite kung anong mga project ‘yun. Basta si Eric Matti ang director ng pagso-sosyohan nila ng anak ni Mother Lily Monteverde na si Dondon.
Pero bago ang mga nasabing plano, excited na siya sa pelikula ni Kris at wala siyang nakikitang problema kahit nasa magkalaban silang channel.
Si Kris ang namili na horror movie ang gawin nila. “Alam ko naman na mas marami kaming ma-e-entertain through that medium that we are both comfortable with,” say ni Dingdong sa isang tsikahan last Friday para sa launching ng Men’s Health magazine kung saan siya lang ang aktor na tatlong beses nang naging cover sa Philippine edition nito.
Nagsimula ang nasabing project nang magkasama sila ni Kris sa kampanya. “So nagtuluy-tuloy na ang pag-uusap namin.”
Willing ba siyang mag-produce ng movie para sa kanila ni Marian Rivera?
Positive ang sagot niya pero hindi pa raw ngayon dahil ang dami pa nila parehong ginagawa.
At kahit nagdi-direk na siya ng pelikula, wala sa plano niyang idirek si Marian. “Baka mag-away lang kami. Kasi playful siya, eh ako seryoso ako eh,” pag-amin niya.
Hindi rin daw niya kayang makita na nakikipaghalikan ang girlfriend sa iba kung siya ang director.
Pero sa mga project nito, walang problema si Dingdong kahit may kissing scene ang kanyang girlfriend sa iba.
Break muna ang aktor sa TV after na magtapos last Friday ang I Heart You Pare.
Pero hindi naman matagal ang gagawin niyang pamamahinga dahil babalik siya sa isang TV.
Mga kelan naman ‘yun?
“October or November. Sabi nila sa akin isang show na hindi ko pa nagagawa – may drama, action and fantasy,” say niya.
Anyway, sa Men’s Health maraming bagong revelation si Dingdong. Malalim na pinag-usapan dito ang kanyang pagiging aktor. “You have to think holistically, you have to think of all aspects – growth mo bilang artist, at the same time, ‘yung entertainment value na ibinibigay mo, plus ‘yung real value na nakukuha nung sub-text, ‘yung pinapakita mo and its social relevance – put all these together. You have to be sensible of all these things.”
Available na sa newstands, bookstores and supermarket nationwide ang kopya ng magazine.