Kaso ng libelo ng RGMA binawi na ng DOJ

Manila, Philippines - Kamakailang ipinag-utos ng Department of Justice (DOJ) na bawiin ang libel complaint na isinampa laban sa mga empleyado ng RGMA Network (RGMA) DYSP Super Radio sa Palawan.

Nag-ugat ang nasabing libel complaint sa panayam ng RGMA kay Flaviana Valle, na nagsampa ng paunang kaso laban kay Palawan State University (PSU) president Teresita Salva. Umere ang live interview noong October 2004.

Sa eight-page resolution na pinirmahan ni DOJ Undersecretary Jose Vicente Salazar at inilabas noong April 28, 2011, nagpasya ang DOJ na sina Lily Mae Uy, Athena Grace Cabaylo-Calamba, Randidio Evangelista, Junefred Calamba, Lourdes Escaros Paet, and Joselito Cruz – pawang mga empleyado ng GMA AM station sa Palawan – ay hindi maaaring kasuhan ng libelo dahil ang kanilang inere ay hindi mapanira at malisyoso. Sa halip, ang umereng istorya ay isang matuwid at patas na paglalahad ng mga makatotohanang detalye.

Sa reklamong isinumite sa Office of the City Prosecutor of Puerto Princesa, Palawan, inakusahan ni Salva ang RGMA-DYSP Super Radio na nakipagsabwatan kay Valle upang sirain ang kanyang pangalan at pagkatao gamit ang radio communication.

Itinuturing si Salva ng DOJ, bilang presidente ng PSU, na public official kaya’t anumang gawain sa kan­yang opisina ay maaring mapagtuunan bilang pampublikong interes. Anang Resolution, “The inte­rest of society and the maintenance of good government demand a full discussion of public affairs…a public officer must not be too thin-skinned with reference to comment upon his official acts.”

Show comments