PIK : So far, itong Sisid ang pinaka-daring na ginawa ni Jackie Rice dahil madalas ay basa siya rito kaya bakat na bakat ang kaseksihan niya.
First solo project ito ni Jackie kaya itotodo na niya.
Nang dumalo si Jackie sa presscon ng Sisid, nakabenda pa ang paa nito dahil tinanggal na ang semento sa nabali niyang daliri. Hindi pa kasi magkadikit ang buto kaya kailangan pa itong ibenda.
Dapat ay medyo matatagalan pa ang semento sa paa pero ipinatanggal na niya ito dahil ayaw naman niyang maging cause of delay sa taping ng Sisid.
Itinuloy pa rin niya ang taping, at kapag may mga underwater scenes siya, tinatakpan na lang niyang mabuti ng plastic para hindi ito mabasa.
Sa presscon ng Sisid, hiningian namin siya ng komento sa mga pinagdaanan ngayon ni Iwa Moto na kasabayan niya sa Starstruck at dati’y pareho silang binabansagang pasaway sa naturang talent search.
PAK: Natatawa si Sen. Bong Revilla, Jr. sa kanyang mga anak dahil kung kabado sila sa nalalapit nilang renewal of vows, mas kabado at mas excited pa ang kanilang mga anak.
Kuwento ni Sen. Bong: “Si Gianna, every day grabe! She really wants to lose weight, nagda-diet siya. “Pagdating ng 7 o’clock in the morning magugulat ka bubuksan niya ’yung pinto pupunta na siya sa weighing scale, Papa I lost one pound, every day Papa another pound today!
“So talagang natutuwa ako, sabi ko mas excited ka pa yata kesa sa amin.”
Bukas na ang pagpapakasal uli nina Sen. Bong at Cong. Lani Mercado bilang celebration ng kanilang 25th wedding anniversary.
Gaganapin ito sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus sa Pasay City. Mapapanood ang wedding special nito sa GMA 7 sa June 5.
BOOM : Maaga pa para sabihin ni Rhian Ramos na handa na siyang umibig muli.
“Basically, ’yung iniisip ko sa ngayon is about me muna,” pahayag ni Rhian nang nakausap namin ito sa story conference ng bagong episode ng Spooky Nights na pagtatambalan nila ni Daniel Matsunaga.
Sa tulong ng kanyang pamilya, ang sarili muna niya ang kanyang inaasikaso at ang trabaho dahil kailangan tuloy pa rin ang buhay at ang mahalaga ay at peace siya ngayon pagkatapos ng mga pinagdaanan niya sa kanyang love life.
Ang magandang kapatid ni Rhian na si Nadine Howell ang isa sa mga takbuhan ng young actress nung panahong wasak ang kanyang puso.
Pahayag ni Nadine: “She’s taking the graceful approach. I mean you don’t speak bad about someone else ’di ba?
“So, I think that’s what she’s trying to do now especially because other parties are speaking for her. I guess parang it’s just best to be keep quiet about the whole thing and that’s what we advice her to do also.
“Because if you act defensively and I mean there’s nothing to be defensive about, that’s all because it is what it is and it’s a break up after all and it’s should be very private and I think that’s how she wants to be.”