Walang oras sa lovelife, Sam Milby malungkot ang puso

MANILA, Philippines - Aminado si Sam Milby na malungkot ang kanyang puso sa kasalukuyan.

“Siyempre, masarap naman na may love life kang nandiyan. Na may inspirasiyon, may taong puwedeng kausapin pag may problema, you know what I mean. That’s what’s great about having a love life.

“But in terms of being lonely, I’m really ngayon, hardly ever at home kasi. Pag-uwi ko ng mga 7:00 a.m. from shooting. So, sobrang busy ako,” pag-amin ng aktor tungkol sa kalungkutan sa kanyang puso dahil may koneksiyon sa indie film niyang Third World Happy na kahit may happy sa title ay isang sad movie pala.

Yup, ang Third World Happy, ang kauna-unahang Cinema One Originals movie ng matinee idol na napapanood na sa piling SM Theaters sa bansa simula noong Mayo 25 hanggang 31 ay sad ang kuwento.

Tungkol ito sa balikbayang si Wesley (Sam) na iniwan ang Pilipinas at ang kanyang kasintahan upang tuparin ang pangarap na maging isang pintor.

Ang lahat ay nagbago nang siya ay bumalik sa bansa para magpunta sa burol ng isang ‘mahal sa buhay’ at makasama muli ang mga kaibigan.

Tinulungan nila si Wesley na magkaroon muli ng pag-asa, masilayan ang kanyang yumaong minamahal, magbigay ng huling pamamaalam, ipagpatuloy ang kanyang buhay at tuparin ang mga pangarap.

Kasama rin si Jodi Sta. Maria bilang si Aylyn sa pelikula, ang dating kasin­tahan ni Wesley, ay nagpakita ng katatagan ng isang babaeng nakakaranas ng kabiguan sa pag-ibig kasabay nang pagharap sa mga problema ng kanyang pamilya. Sa pelikula ay isang single mom si Aylyn na todo-kayod para sa kanyang 13 taong gulang na anak na lalaki. Matapos ang 13 taon ay muling magta­tagpo ang landas nila ni Wesley at dito niya makukuha ang kasagutang matagal na niyang hinihintay - kung bakit siya iniwan ng lalaking pinakamamahal.

Single mom si Jodi sa totoong buhay kaya makikita sa trailer ng pelikula ang natural niyang husay sa aktingan.

Samantala, si Kuya Danny (Richard Quan) ay suportado anumang desis­yon ng kanyang nakababatang kapatid na si Wes. Madalas niyang isinasantabi ang kanyang personal na interes para sa kanyang pamilya. Si Kuya Danny ang nagturo kay Wes ng pinakamahalagang aral na dapat niyang matutunan sa buhay.

Ang Third World Happy ay mula sa panulat at direksyon ni EJ Salcedo, na kasalukuyang sumusulat at gumagawa ng short films, TV commercials, corporate, at music videos. Siya rin ay isang direktor para sa telebisyon.

Kuwento ni Direk EJ, may mga ginawa silang paraan para magmukhang kinunan sa Amerika ang ilang eksena nila na kailangang doon sana kunan pero wala na silang budget dahil P1 million lang kada-pelikula ang nakalaan sa kanila.

Ito rin ang nagbigay ng nominasyon bilang Pinakamahusay na Aktor sa ika-34 Gawad Urian Awards ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino kay Sam.

 Si Jodi naman ay na-nominate rin bilang Pinaka­mahusay na Aktres at tumanggap naman kamakailan ng Best Supporting Actress trophy sa Cinema One Originals 2010 Awards.

Ano naman ang matututunan ng mga manonood sa Third World Happy? “I wanted to tell this story to remind people that if they are given the chance to pursue their dreams, they should never waste it. Most people never get the chance,” sagot ni Direk. 

Sa isang review na inilathala sa South Korea, sinabi ni Kim Se-jin sa website ng Jeonju International Film Festival : “The film carefully unfolds Wesley’s painful past one by one while he keeps meeting his close friends living in a life different with the dreams which they had in their youth and his ex-lover which broke up with him when he left for the US. She is living her tough life with a 13-year old son and her mother now. Finally, he confronts the weight of the heavy time lying between the one who left and the one who was left during the funeral. The film consoles the audience and Wesley by showing sincere strength of the everyday life and the process of his reconciliation with his painful past.”  

Ang Third World Happy ay palabas sa 10 piling SM Theaters sa buong bansa—SM North Edsa, SM Megemall, SM Manila, SM Fairview, SM Sta. Mesa, SM Southmall, SM Marikina, SM Cebu at SM Iloilo simula Mayo 25 hanggang 31.

Show comments