Shalani nginingitian lang ang isyu ng pagseselos kay P-Noy

Nakakatawa naman ang nag-iimbento ng balita na nagseselos si Shalani Soledad sa babae na nali-link ngayon kay Pres. Noynoy Aquino o P-Noy dahil sa posting niya sa kanyang Twitter account na “Jealousy is normal. What you have to do is to make it into your positive motivation, so it won’t destroy you.”

Tama ba na gawan ng kuwento at malisya ang tweet ni Shalani? Sure ba ang mga imbentor na para sa sarili ni Shalani ang kanyang tweet?

Mahirap na lang magkuwento dahil baka lalong lumaki ang kontrobersiya pero isang bagay ang si­guradong-sigurado ako, never na nagselos si Shalani sa mga girls na nali-link sa kanyang ex-boyfriend.

Matagal nang naka-move on si Shalani at happy na siya ngayon sa mga nangyayari sa kanyang buhay at career.

Kung pinagseselosan ni Shalani ang mga babae na natsitsismis kay P-Noy, hindi sana siya pumayag na si Liz Uy ang kanyang maging stylist para sa pictorial niya sa Preview dahil pinormahan din ni P-Noy ang ex ni John Lloyd Cruz.

Knowing Shalani, ngingitian lamang niya ang mga imbentong balita na nagseselos siya sa mga nali-link kay P-Noy. Hindi kaya it’s the other way around?

Magkasama pa rin naman sa iisang bubong, pralala ng aktres na inaabuso ng maimplu­wensiyang dyowa, ’di na pinaniniwalaan

Walang nag-aksaya ng panahon na interbyuhin ang isang nagpapa-kontro­bersiyal na aktres nang umapir ito sa isang presscon.

Masasayang lang ang oras ng mga reporters dahil kung magkukuwento ang aktres tungkol sa kontrobersiyal na love life nito, malabong lumabas sa TV ang interbyu sa kanya dahil very powerful ang boyfriend niya.

May power ang mhin na harangin at huwag maipalabas ang interbyu sa aktres na nagke-claim na battered dyowa siya pero hindi naman niya nilalayuan ang kanyang karelasyon.

Wala nang naniniwala sa mga pralala ng aktres na maraming reklamo laban sa kanyang boyfriend pero sila pa rin ang magkasama sa iisang bubong.

Mataimtim na dasal para lumayas si Chedeng...

Maganda ang weather kahapon sa kabila ng banta ng pananalanta ng bagyong si Chedeng.

Wish ko lang na gumanda na ang panahon, alang-alang sa renewal of vows nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Congresswoman Lani Mercado na naka-schedule bukas.

Wala nang atrasan ang muling pagpapakasal ng dalawa dahil ready na ang lahat. Taimtim na dasal na lang ang panlaban para tuluyan nang mag-goodbye Philippines si Chedeng.

Iza nagi-guilty

Bukas na ang pilot telecast ng Andres de Saya nina Cesar Montano at Iza Calzado. Siyempre, ander de saya ang role ni Cesar at Andres ang name ng kanyang karakter.

Matilde or Mat for short ang pangalan ni Iza. Puwedeng Mat dahil matapang at mataray pero sa tunay na buhay, soft-spoken si Iza na hindi nanghihinayang dahil tinanggihan niya ang pagbibida sa afternoon drama series na Sentensyada.

Magwawakas ngayong gabi ang I Heart U Pare. Mababawasan na ang ginagawa ni Iza, hindi na masyadong busy ang kanyang schedule kaya may time na siya para mag-report bilang co-host ng Eat Bulaga.

Feeling guilty na si Iza dahil hindi regular ang pag-apir niya sa Eat Bulaga mula nang maging busy siya sa mga tapings ng I Heart U Pare at Andres de Saya.

Show comments