Totoo bang may nude photo ang baguhang si Mikael Daez sa internet na ayaw niya o hindi niya kayang ipaliwanag kung kaya agad-agad ay nawala siya sa napaka-bonggang presscon ng Amaya? Hindi lamang siya kundi maging si Sid Lucero ay umiwas ding ma-interview sa press.
Wala namang mawawala kay Mikael kung totoong may nude photo siyang nagkalat sa internet. Dito naman sa atin, mga babae lang ang naaapektuhan ng ganitong isyu, hindi ang mga lalaki.
Si Sid may puwede sanang linawin pero kung ayaw niya, wala namang makakapilit sa kanya.
Say ng dyowa ni Iwa, ‘’Sorry na!’
Naaawa ang ex ni Iwa Moto sa kinahinatnan ng ginawa niya sa aktres pero mag-sorry man siya, baka wala na ring mangyayari. Pinalitan na yata si Iwa sa Andres de Saya at balita ko, ipi-freeze ang trabaho niya hangga’t hindi sila nagkakaayos na dalawa.
Bakit kasi nakikipagkita lamang siya kay Iwa dahil nami-miss niya ito but in the process naapektuhan niya ang trabaho ng girlfriend? He can probably support her and give the money na mawawala sa kanya habang nakatengga siya pero gusto ba ito ni Iwa? Siyempre hindi.
Luis natsa-challenge sa mga kontra sa kanila ni Jennylyn
Sa rami ng tutol na ligawan ni Luis Manzano si Jennylyn Mercado ay mas lalo lamang nilang tsina-challenge ito. Bakit hindi na lang nila hayaan kung sino at kanino ito magiging masaya? Siya naman ang magdadala kung sakali mang magkamali siya ng desisyon.
Nakakainsulto sa panig ni Jennylyn ang ginagawa nila. Bakit ba ayaw nila sa kanya? Maganda naman siya, may talento, at madiskarte. At gaya nga ng sinasabi ni Luis, eh ano kung may anak na si Jen? Blessing naman lahat ng anak.
Habang tinututulan n’yo si Jennylyn ay lalo lang pinag-iinit n’yo si Luis. Baka sa halip na manligaw lang siya at maghanap ng girlfriend ay maitulak n’yo pa siya sa maagang pag-aasawa.