^

PSN Showbiz

Ginagawa munang parking ng koleksiyon ng mamahalin niyang sasakyan, aktor nakabili ng property worth P30 million

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Bongga ang actor na ito, bumili ng property worth P30 million pesos sa isang high-end subdivision outside Metro Manila. Siguro nag-iipon pa nang pampatayo ng bahay dahil habang wala pang bahay ang nabiling lote ay doon muna iginagarahe ang kanyang mga expensive cars.

In fairness sa aktor, hindi pagdududahan kung saan galing ang milyones na ipinambili niya ng property at expensive cars dahil kumikita siya ng malaki sa TV and movie projects niya lalo na sa endorsements. Saka, hindi naman isang bagsakan lang ang bayad sa loteng nabili.

Ang maganda sa aktor, hindi showy at kundi pa sa tsika ng kaibigan, hindi malalamang nagko-collect siya ng mga expensive cars. Obvious na hindi niya ginagamit sa showbiz ang mamahalin niyang sasakyan dahil hindi nasusulat. Pang-personal na lakad lang siguro nila ng kanyang pamilya at actress-GF ang mga sasakyan.

Glaiza namahinga sa pagiging bad

Klinaro ni Glaiza de Castro sa presscon ng Amaya ang isyung kaya natagalan siyang magdesisyon kung tatanggapin o hindi ang role niyang si Binayaan dahil ayaw na niyang magkontrabida. Nagpapahinga lang daw muna siya sa bad girl role sa ngayon at hindi niya masasabi kung babalikan pa sa mga darating na panahon.

“Gusto kong mag-experiment, gusto kong ma­iba naman ang pino-portray kong roles at gusto kong i-try lahat pero depende kung anong role. Dito sa Amaya, hindi ako kontrabida at hindi rin supporting. Nang i-offer nila sa akin ang role ni Binayaan, sabi nila magandang project at magandang role ito at hindi ako nagkamali. Karangalan sa aking maisama sa big project na gaya nito,” sabi ng aktres.

Wala pa nga lang masyadong maikuwento si Glaiza sa role dahil one day pa lang siyang nagti-taping. Ang worry ng aktres, malaki ang tiyan niya at nagkataong kita ito sa kanyang costume.

Anyway, gaya sa ibang cast, excited na rin ang dalaga sa premiere ng epic serye sa May 30, sa time slot na hindi pa ipinaalam ng GMA 7.

Dennis ibinabaling  sa trabaho ang isyu  sa kanila ni Jennylyn

Nananatiling tahimik si Dennis Trillo sa isyu sa kanila ni Jennylyn Mercado at sa trabaho ibina­baling ang atensiyon. Kahapon, ang first shooting day niya ng Regal Entertainment, Inc. na My Neighbor’s Wife kasama sina Lovi Poe, Carla Abellana, at ang kaibigan nitong si Jake Cuenca sa direction ni Jun Lana.

This week, sisimulan ang taping ng Sentensyada, ang bago niyang soap sa GMA 7 kasama sina Alessandra de Rossi, Polo Ravales, at Bianca King. Si Don Michael Perez naman ang direktor ng soap na eere na sa June 6, kapalit ng Nita Negrita.

Hindi lang balik-GMA si Alessandra sa Sentensyada, reunion project din pala nila ito ni Dennis after Super Twins na kung inyong natatandaan, gumanap na mother nina Jennylyn at Nadine Samonte si Ma­rian Rivera. Naku, maraming pag-uusapan sina Alex at Dennis.

Teka lang, pare-parehong nanood ng concert ng Maroon 5 last Monday sina Dennis at Jennylyn na kasama si Luis Manzano. Nag-krus kaya ang landas ng tatlo o nagkatinginan man lang?

Sheena panay ang deny kay Rocco

Nakita ni Allan Diones si Sheena Halili last Mon­day evening sa Bubble Tea kasama si Rocco Nacino at kapatid nitong binatilyo. Galing sa presscon ng Amaya ang aktres, kung saan, panay ang tanggi sa relasyon nila ni Rocco pero hindi siya pinaniniwalaan ng press.

Ang feeling ng press, exclusively dating din sina Sheena at Rocco dahil mula nang ma-link, hindi na nakita ang isa man sa kanila na iba ang kasama. Kaya nga hindi maintindihan kung bakit kailangan nilang mag-deny.

May mga eksena sa Amaya na topless si Sheena at pa-cute nitong sinabi na walang say si Rocco sa pagta-topless niya dahi hindi niya ito boyfriend.

vuukle comment

ALESSANDRA

ALLAN DIONES

AMAYA

GLAIZA

JENNYLYN

LANG

NIYA

ROCCO

SHEENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with