Mga kapamilya hindi inimbita, mga mayayaman sa 'Pinas sanib-puwersa sa kasal nina Bong at Lani

MANILA, Philippines - Magsasama-sama ang mga taga-showbiz, politics at mga kilalang tao sa business communities sa inaabangang renewal of vows nina Senator Bong Revilla at Rep. Lani Mercado sa Sabado, May 28.

Yup, handa na ang lahat sa gaganaping pangat­long kasalan ng mag-asawa –3:00 p.m. sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus sa Villa­mor Airbase, Pasay City kung saan ang atmos­phere is a combination of elegance and sacredness. The Shrine pala is shaped like a cross and architectural style is classical contemporary. Ang height is about 35 meters and the seating capacity is up to 1,800 people. Meron ding 168 basement parking slots and the aisle is 50 meters long kaya’t perfect ito para sa isang grand weddings.

Kasama sa mga principal sponsors sina former Presidents Joseph Estrada, Fidel Ramos and Gloria Macapagal-Arroyo. Also among the ninongs are Mayor Alfredo Lim, former Senator Ernesto Maceda, former House Speaker Jose de Venecia, San Miguel Corporation Chairman and COO Ramon Ang, GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon, GMA Network former President and CEO Menardo Jimenez, SM Development Corporation Vice Chairman and CEO Henry Sy Jr. GMA Network President and COO Jimmy Duavit, PLDT and TV5 Chairman Manuel Pangilinan, Viva Films Big Boss Vic del Rosario and German Moreno.

Kasama naman sa mga ninang sina former First Lady Amelita Ramos, Business Tycoon Danding Cojuangco’s wife Gretchen Cojuangco, Congresswoman Cynthia Villar, Congresswoman Georgina de Venecia, Mr. Ramon Ang’s wife Teresita Ang, Regal Films owner Mother Lily Monteverde, Filinvest Land Inc. Chairman Mercedes Gotianun, Cebu Congressman Luigi Quisumbing’s wife Eli­zabeth Quisumbing, Armida Siguion-Reyna, GMA Network Executive Wilma Galvante and Lolit Solis.

Sa secondary sponsors, mga tao lang na malapit na malapit sa puso ng mag-asawa. They are long-time friends Phillip Salvador and Lorna Tolentino sa candle and Senator Jinggoy Estrada and wife Precy Ejercito sa cord. Congressman Manny Pacquiao and Jinkee Pacquiao are also secondary sponsors (veil).

Siyempre, one big happy family affair ang mangyayari with sons Bryan and Liga ng mga Barangay sa Pilipinas Vice President Jolo as Bestmen while the Matron of Honor is their daughter Inah del Rosario. Bridesmaids ang dalawa pang anak na sina Gianna and Loudette. The groom’s men are youngest son Ram, son-in-law Vince del Rosario and even Luigi Santos.

Gaganapin ang reception sa harbor tent in Sofitel Philippine Plaza.

Ang bongga nito. Lahat na yata ng maya­yaman sa Pilipinas nagsama-sama sa kasalan sa Sabado.

Magkano kaya ang maiipon nilang regalo? Or anu-ano kaya? Imagine sa yayaman ng mga ninong at ninang, sure na sure na milyun-milyon ito.

Dahil exclusive sa GMA 7 ang coverage, banned sa sponsors ang mga Kapamilya. Ni wala silang representative ha. At least ang TV5, ninong si MVP. Or dahil ba naudlot ang paglipat sana noon ni Sen. Bong sa ABS-CBN?

Luis, Jennylyn At Dennis Muntik Magpang-Abot

Grabe nga naman ang pagkakataon ano. Muntik pang magkita-kita sa concert ng Maroon 5 sina Luis Manzano kasama si Jennylyn Mercado at ang ex ng actress na si Dennis Trillo.

Mabuti na lang daw at hindi nagkaroon ng chance na magkita-kita sila.

Kasama raw ni Luis ang kapatid niyang girl sa nasabing concert ng grupo na dumayo ng bansa.

Si Dennis daw, nabasa ko sa tweet ng manager niyang si Popoy Caritativo, galing kay Dingdong Dantes ang ginamit nitong ticket. “Binigay ni Dingdong kay Dennis ang tickets niya for the Maroon 5 concert kaya nakapanood si Dennis tonight,” tweet ni Popoy.

Hindi lang nabanggit ng source kung may kasama si Dennis sa SMX Hall kung saan ginanap ang concert ng Maroon 5.

Ang sure ng source ko, pinagkaguluhan ng mga TV crews na nasa concert sina Luis at Jennylyn kaya napilitan na raw ang dalawang umalis agad bago pa man matapos ang concert.

Si Luis daw nagpa-interview pa, pero si Jennylyn ay nagmamadaling umalis sa venue ng concert.

                                                      

Show comments