Stars na nagwagi sa ika-34 Gawad Urian, inialay ang tropeo sa kapamilya

MANILA, Philippines - Naging emosyonal ang mga Aktor ng Dekada na sina Coco Martin at Cherry Pie Picache, pati na rin ang best actor winner na si Sid Lucero matapos nilang i-dedicate ang napanalunang Gawad Urian sa kanilang mga mahal sa buhay. “Para po ito sa ’yo lola, sa lahat ng paghihirap at pagmamahal mo sa akin,” ani ng mangiyak-ngiyak na si Coco.

Samantalang si Cherry Pie naman ay inialay ito sa kanyang nag-iisang anak at si Sid, sa kanyang ina na si Bing Pimentel na present nung awards night. Napanood ang ika-34 Gawad Urian Awards sa Cinema One noong Linggo. Para sa listahan ng mga nagwagi, mag-log on sa www.facebook.com/Cinema1channel.

Show comments