MANILA, Philippines - Hango sa 1973 horror classic ni
George Romero
, ang
The Crazies
ay mu-ling binuhay ng direktor na si
Breck Eisner
. Sa pagkakataong ito, ang uri ng virus sa kasalukuyan ang magiging sanhi ng maramihang kamatayan at pagi-ging zombie ng mga tao.
Ang kapapalabas pa lamang na blockbuster movie na ito ay ni-release na sa orihinal na VCD at DVD format ng C-Interactive Digital Entertainment.
Tampok sina Timothy Olyphant at Radha Mitchell, ang The Crazies ay nagsimula sa Ogden Marsh, Iowa kung saan isa-isang namamatay ang mga mamamayan. Habang sinisikap ni Sheriff Dutton at ng buntis na asawa ang pagkalat ng sakit, ang gobyerno ay gumamit ng dahas upang walang makalabas ng bayan. Kahit ’di apektado ay pinipigilan. Kaya ang pangkaraniwang gabi’y naging pinakamasamang bangungot para sa ilang nakaligtas mula sa mga buhay na patay!
Inilarawan ng mga kritiko na “full of genuine scares” ang DVD copy ng The Crazies ay may ekstrang 70 minuto ng komentaryo, behind-the-scenes, visual effects, atbp.
Mabibili ang mga orihinal na video sa Astrovision, Astroplus, Odyssey Music & Video, O Music, Video City, National Book Store, at Fully Booked. Para sa updates, bisitahin ang www.c-interactive.com.ph.