Jennylyn hindi lang bugbog ang inabot sa step-father, pinaso rin ng plantsa at sigarilyo

Apat na taon lamang pala si Jennylyn Mercado nang maging front page news siya ng PSN noong May 4,1991.

Anak ng OFW, Bugbog-Sarado sa Step-father ang headline ng PSN at nakalagay dito ang malaking litrato ni Jennylyn habang karga-karga siya ng kanyang adoptive mother na si Mommy Lydia.

Nakakaloka ang litrato dahil itim na itim at magang-maga ang mga mata ni Jennylyn, bunga ng pananakit sa kanya ng amain na Benjamin Mecia, Jr. ang name. Sino ang mag-aakala na magiging artista ang bugbog-sarado na bagets at mapapadalas ang paglabas niya sa PSN?

Kung gusto ninyo na makita ang isyu ng PSN noong May 1991, bumili kayo ng June 2011 issue ng Yes magazine dahil dito rin ipinagtapat ni Jennylyn ang nakaraan niya sa piling nina Mark Herras, Patrick Garcia at Dennis Trillo.

Teka, tiyak na may file ang PSN ng May 1991 issue.

Mama Salve, puwede ba na i-reprint mo ang kopya para sa kapakanan ng dear PSN readers? (Sorry po sarado ang library. Walang susi pag Sabado. Pero ipapahabol po ang paglabas ng issue na banner noon si Jennylyn. - SVA)

Itinago ni Mommy Lydia ang kopya ng PSN na nahalungkat ni Jennylyn nang magdalaga ito. Shocked si Jennylyn nang mabasa ang news dahil hindi niya inaasahan na matinding-matindi ang pagkakabugbog sa kanya ng step-father na matagal nang missing in action.

Hindi lamang pambubugbog ang sinapit ni Jennylyn sa mga kamay ng kanyang amain. Naranasan din niya na mapaso ng mainit na plantsa at sigarilyo ng step-father na lulong sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Kasalang Bong at Lani, ready na!

Nagsimula nang ipamahagi ang mga imbitasyon para sa renewal of vows nina Senator Bong Revilla, Jr. at Congresswoman Lani Mercado na gaganapin sa darating na Sabado, May 28, sa Shrine of St.Therese of the Child Jesus, Villamor Airbase, Pasay City.

Siyempre, kasali ako sa listahan ng mga principal sponsor kaya rubbing elbows ako kina former President Gloria Macapagal- Arroyo, Joseph Estrada at Fidel Ramos.

Mga ninong at ninang din sina Mayor Alfredo Lim, Senator Ernesto Maceda, dating Speaker Jose de Venecia, Ramon Ang, Atty. Felipe Go­zon, Mr. Menardo Jimenez, Mr. Henry Sy, Jr., Mr. Jimmy Duavit, Mr. Manny Pangilinan, Mr. Vic del Ro­sario, Mr. German Moreno, Mrs. Amelita Ramos, Mrs. Gretchen Cojuangco, Rep. Cynthia Villar, Rep. Gina de Venecia, Mrs. Teresita Ang, Mrs. Lily Monteverde, Mrs. Mercedes Gotianun, Mrs. Elizabeth Quisumbing, Mrs. Armida Siguion-Reyna, at Mrs. Wilma Galvante.

Mga abay sa kasal nina Bong at Lani ang kani­lang mga anak na sina Bryan Revilla at Ramon Jolo Revilla III bilang bestmen.

Matron of Honor si Inah del Rosario at groomsmen sina Ramon Vicente Bautista, Jorge Vicente del Rosario at Luigi Santos.

Mga bridesmaids sina Maria Viktoria Gianna Bautista at Ma. Franzel Loudette Bautista.

Mga secondary sponsor sina Phillip Salvador at Lorna Tolentino (candle), Rep. Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao (veil) at Senator Jinggoy Estrada at Precy Ejercito (cord).

Ring bearer si Jose Gabriel Bautista at flower girl si Alexa Daniella del Rosario, ang mga apo nina Lani at Bong.

Ang Harbour Tent ng Sofitel Philippine Plaza ang venue ng wedding reception at mapapanood ang renewal of vows nina Bong at Lani bilang TV special ng GMA 7.

Tiyak na star-studded ang okasyon dahil sa pagsasama-sama ng mga kilalang personalidad mula sa mundo ng showbiz at pulitika.

Show comments