MANILA, Philippines- Paris na Paris ang mood sa event ng Clear shampoo ambassadors na sina Piolo Pascual and Bea Alonzo na ginanap kamakailan sa Midas Hotel. Game na game namang nagpa-scalp analysis sina Tessa Prieto Valdes, Kelly Misa, Isabel Roces, at iba pa. Nag-host sina Borgy Manotoc at Bianca Valerio.
Ang bagong Clear ay may synergistic complex ng 10 vitamins and minerals (Nutrium 10) na pumapasok sa anit na hanggang three layers ang naaabot sa balat. Kaya may Total 3 na tinatawag ang brand: No dandruff, no dryness, at less hair fall.