Hotmen 'huhubaran' sa Zirkoh
MANILA, Philippines- Maghuhubad ang Hotmen na sina Kenneth Salva, Mark William Yap, Jhonmark Marcia, Danniel Derramayo at Jake Mendoza sa paglulunsad ng kanilang All-Star Hunks Kick-off Tour, sa sexy-comic show na pinamagatang Stripped, sa Hunyo 4, Sabado, 10:00 p.m. sa Zirkoh, Tomas Morato Avenue, Quezon City.
Iti-treat ng The Hotmen ang mga suki ng Zirkoh sa kanilang cover interpretation ng pop songs ng kilalang boy bands, sa kanilang sariling tatak na sexy singing-dancing. Huhubaran sila ng Comedy Concert Queen na si AiAi de las Alas.
Makaka-back-to-back ng The Hotmen launch party ang mga mapagpatawang sina Jose Manalo at Wally Bayola, at ang mga nagseseksihang EB Babes.
Sponsor ng launch party ang Frenzy Condoms at EZ Lubricating Jelly.
- Latest