Alessandra balik-GMA 7

Kaya pala hindi sumagot si Alessandra de Rossi kung ano ang next project niya sa ABS-CBN after Green Rose dahil babalik siya sa GMA 7. Kasama siya sa cast ng Sentensyada, ang bagong afternoon soap ng Channel 7 na ipapalit sa Nita Negrita sa direction ni Don Michael Perez.

Isa si Alex sa apat na bida ng soap na kinabibilangan nina Dennis Trillo, Polo Ravales, at isa pang aktres na mamaya pa lang makukumpirma. Kung nakabalik na si Alex from Cannes Film Festival, baka nasa storycon na siya. Na-delay ang return flight nito dahil nagkaroon ng bomb scare sa Nice airport last Wednesday afternoon at pinalabas daw ang lahat ng tao sa airport.     

Nova may next project na sa Kapuso

Si Nova Villa ang nagpasalamat sa suporta ng press sa Nita Negrita  na malapit nang magtapos na mataas ang rating. Ikinuwento nitong kahit drama ang show, masaya sila sa taping dahil magkasundo silang lahat. Sama-sama silang kumakain at nagsi-share ng ulam at special mention ang daing na ba­ngus ni Lotlot de Leon.

 May next project na sa GMA 7 si Nova, pero bawal pa niyang ikuwento. Ang sinabi lang light comedy na magsisimula na sa June ang taping. Ang wish ni Nova ay magkasama sila ni Gloria Romero sa isang project sa Kapuso Network.

Pambabatok ni Marian kay Pacman idinenay ni Dingdong

Nang makausap si Dingdong Dantes sa last taping day ng I Heart You Pare, hindi pa ito sure kung aalisin na ang bigote at goatee na trademark ng karakter niyang si Kenneth. At gustuhin man nitong mag-ahit, baka kailangan ang looks niyang ‘yun sa Aswang, ang pelikulang pagtatambalan nila ni Lovi Poe na isa siya sa co-producers.

Anyway, mami-miss ni Dingdong ang mga kasama sa I Heart You Pare  at ang pakikipagtrabaho sa kanila. Sabi nito: “Isa ito sa pinakamasayang atmosphere ng taping, walang moment ng tension at negative vibes. Puwera lang noong hindi na kayang mag-taping ni Regine (Velasquez), but everything is perfect.”

Hanggang May 27, na lang ang I Heart You Pare.

Samantala, ipinagtanggol ni Dingdong ang nobyang si Marian Rivera sa controversies na kinasasangkutan nito. Gaya na lang nang pambabatok daw nito kay Cong. Manny Pacquiao sa Party Pilipinas at ang pamimintas daw kay Venus Raj nang makita sa Boracay.

 “Hindi ko nakita ang sinasabi nilang pambabatok niya kay Manny. Palabiro si Marian at kung totoong ginawa niya ‘yun, hindi niya gagawin kung hindi sila close. Hindi lang siguro sanay ang tao na makita ‘yun. ‘Yun namang kay Venus, hindi totoo ‘yun dahil wala kami sa Boracay noong Holy Week, nasa Singapore kami.”

Show comments