Alma Concepcion binalikan ang eskuwelahan!
Eleven years old na ang lovechild ng dating beauty queen at actress na si Alma Concepcion na si Cobie at kamukhang-kamukha ito ng ama na nagmula sa isang prominenteng pamilya.
We bumped into Alma at anak nito sa 8th birthday party ng bunso nina Mayor Alfred at Kring-Kring Romualdez na si Diana the other Saturday na ginanap sa kanilang tahanan sa North Forbes Park in Makati City.
Matagal nang hiwalay si Alma sa ama ng kanyang anak pero in good terms sila dahil na rin sa kanilang common bond – si Cobie. Bago ang birthday party ni Diana, nagkita rin kami ni Alma sa debut party ng anak ng negosyanteng si Cristina Decena. Kasama ng former beauty queen-actress ang kanyang non-showbiz boyfriend ngayon na si Claro, isang negosyante, na personal niyang ipinakilala sa amin.
Ibinalita rin nga pala sa amin ni Alma na back to school siya sa UP kung saan siya nag-aaral ng interior design.
Anyway, sa bahay nina Mayor Alfred at Kring-Kring, inabutan din namin ang parents ng huli na sina Jose Mari at Chayong Gonzales at balae nilang si dating Tacloban City Mayor Bejo Romualdez na nagkukuwentuhan.
Bukod sa mag-inang Alma at Cobie, namataan din namin sa children’s party ni Diana sina Pops Fernandez at Giselle Sanchez.
Lovi sobrang daring na
Alam mo, Salve A., sobrang daring si Lovi Poe kung i-describe ng mga nakapanood ng magkakasamang fashion show ng Bench, Human, at Kashieca na ginanap sa SMX nung isang linggo dahil naka-panty at bra lamang ito kasama ang 39 other celebrity endorsers na rumampa.
Kung buhay kaya ang kanyang ama, ang namayapang King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr., gawin kaya niya iyon? Siguradong hindi dahil tiyak na hindi siya papayagan ni FPJ!
Yapak nina Judy Ann at Gladys sinusundan nina Julia at Kathryn
The original Mara Clara soap opera made stars out of Judy Ann Santos at Gladys Reyes na naging mag-best friends in real life. Mukhang ito ay mauulit sa bagong stars na sina Julia Montes at Kathryn Bernardo which by the way, ay bagong karagdagan sa lumalaking pamilya ng Bench.
Kung patuloy na sinusubaybayan ang new version ng Mara Clara na mukhang siya ring maglulunsad into stardom sa dalawang promising young stars, hintayin nila ang paggawa ng pelikula ng dalawa lalo’t kinontrata na sila ng Star Cinema ng two-year contract.
Maulit din kaya kina Julia at Katryn ang stardom na nakamit ng best friends na sina Juday at Gladys?
Mo may sumpa sa mga nagiging ex?
Hay naku, Salve A., hindi na nakakapanibago ang “kiss-and-tell” stand ni Mo Twister tungkol sa naging relasyon nila ni Rhian Ramos. Kung hindi nga nila inamin ang tungkol sa kanilang relasyon, bakit siya magngangangawa ngayon kung kelan hiwalay na sila?
Sa naging relasyon nina Mo at Rhian, ang Kapuso young actress ang dehado. Halos natulad na siya sa dalawang ex-girlfriends ng TV and radio host na sina Bunny Paras at Jeanette McBride who were both promising young talents at that time nang sila ay mainlab.
Parehong nag-disappear ang dalawa sa limelight pagkatapos ng relasyon.
Huwag naman sanang ganito rin ang mangyari kay Rhian na napaka-promising pa naman ng career.
May sumpa kaya sa ex si Mo?
- Latest