Mother Ricky faithful sa Filipino hairdressers
MANILA, Philippines - Faithful sa Filipino hairdressing si Mother Ricky Reyes. Bilang presidente ng Asia Pacific Hairdressers and Cosmetologists Association (APHCA) and Filipino Hairdressers Cooperative (Filhair Coop), at sa pakikipagtulungan ng Coop Natco, Babyliss Pro, at HBC, pinangunahan ni Mother Ricky ang 27th Hair and Make-Up Trends Competition na ginanap kahapon, Mayo 18.
Napuno ang buong araw ng mga top hairdressers, stylists, at cosmetologists na ipamamalas ang kani-kanilang galing. Nagkaroon ng limang kategorya ang kompetisyon: Avant-garde cut and color para sa mga lalaki, cut and color ng mga babae, commercial make-up, bridal make-up, at Search for the Babyliss PRO Styling Master.
Nag-perform naman ang Pointen, 1:43, at ang Are You the Next Big Star? finalists na sina Camille Cortez at Anton Cruz.
- Latest