Kris Aquino nagulat kay Jake Vargas

Baguhang artista pa lamang si Jake Vargas, ka­ba­taan pa. Hindi kataka-taka kung marami ang hindi pa nakakakilala sa kanya, lalo na ’yung mga adults.

Nagsimula si Jake bilang isa sa mga kabataang co-hosts ni German Moreno sa pang-madaling araw na programa nitong Walang Tulugan with Master Showman. Pagkanta ang una niyang pinasok pero dahil may taglay na kaguwapuhan, mada­ling lumaki ang bilang ng kanyang mga tagahanga, at dahil na rin sa tulong ni Kuya Germs ay unang napanood ang bagets sa mga serye ng GMA 7.

Pinaka-memorable ang Stairway to Heaven na nakasama niya sina Joshua Dionisio at Barbie Forteza. Sinundan ito ng First Time na kung saan ay ginawa silang pinaka-batang love triangle ng network. Kinagat naman ang trio nila pero hindi ito nabigyan ng magandang follow up.

Sa kasalukuyan, nilalakad ni Kuya Germs, na ipinasyang tulungan siya nang malaman nito na cancer-stricken ang kanyang ina, na makabilang siya sa mga contract stars ng network. Iba ito sa GMA Artist Center na nasa pamumuno ni Ms. Ida Henares.

Regular na napapanood si Jake sa Tween Hearts, isang serye na ginagawa na ring movie at Captain Barbell bilang kasapi ng Liga ng Kalayaan, ang grupo na tumutulong sa super hero. Sa parehong palabas, tampok sila ng ibini-build up ng istas­yon na kapareha niya, si Bea Binene.

Because of his stints in Captain Barbell, Tween Hearts and Walang Tulugan, nakapag-amass na ng mga followers si Jake na sinusundan siya sa lahat niyang mall shows. Hindi man ganun karami ang project niya sa GMA, mabenta naman sa mall shows si Jake. Paborito siyang kunin ng SM dahil talagang dinudumog nga siya ng manonood.

Minsan sa isang event ni Kris Aquino, nagulat pa ito nang tawagin niya ang pangalan ni Jake bilang next performer dahil bigla na lang umugong at nagkagulo ang audience. Tinanong tuloy ng Queen of All Media kung sino siya.

 Paboritong kunin ng SM marketing si Jake dahil nagagawa niyang punuin ang entertainment center ng SM sa lahat ng branch na puntahan niya. Hindi nila maipaliwanag kung anong karisma meron ito at maraming napapaiyak na mga bata at maging matatanda kapag nagpi-perform siya. At bilang pagkilala sa malaking tulong na nagagawa niya sa na­sabing establishment, binigyan nila siya ng titulong Prince of Malls.

Mabenta rin ang unang album na ginawa ni Jake na pinamagatang Ngiti. Sayang at hindi ang GMA Records ang nag-release ng album. Sila ang unang nilapitan ni Jake para pagawin siya ng album pero tinanggihan nila siya at sinabihang magsanay munang kumanta ng mabuti. Sinalo si Jake ni Howard Dy ng Dyna Music at hindi pa nagtatagal ang album sa record bars ay bumenta na ito.

Ngayon ay nasa proseso ang Dyna Music ng pagdaragdag ng kopya ng Ngiti dahil marami pa ang naghahanap pero wala ng kopya.

Masaya na si Jake sa takbo ng kanyang career. Hindi man siya matatawag na super young star, hindi naman siya nawawalan ng trabaho. Ito lamang naman ang mahalaga sa kanya dahil habang may work siya, patuloy niyang mabibigyan ng pampagamot ang kanyang ina.

* * *

Kapuri-puri ang adhikain ng Villar Foundation na pinamumunuan nina Sen. Manny Villar at Gng. Cynthia Villar na labanan ang kahirapan at linisin ang ilog ng Las Piñas.

Magsisimula ang kampanya ng paglaban sa kahirapan sa bansa sa pagtatatag ng Social Institute for Poverty Alleviation and Governance o SIPAG Center ng Villar Foundation.

Noong Sabado, pinangunahan ng mag-asawang Villar ang groundbreaking ceremony na siyang hudyat sa pagtatayo ng SIPAG Center at Santuario de San Ezekiel Moreno. Inilunsad din ang librong Saving A River, Securing Livelihoods ni Joyce M. Crisanto.

“Hindi natin maaaring ipagwalang-bahala ang kahirapan dahil ang mukha ng paghihikahos ay araw-araw nating nasasaksihan sa mukha ng marami nating kababayan,” anang senador. Itinatag ang Villar Foundation noong 1995 at aktibong nagpatupad mula noon ng mga programang pangkalikasan, pang­kabuhayan, pagtulong sa mga OFWs, programang pangkalusugan, at iba pang mga programa laban sa kahirapan.

Show comments