Sayang at bago nagawan ng damage control ng GMA 7 ang mga artist nilang nalalagay sa alanganin ay kulang na lang ay mahubaran sila sa paningin ng publiko.
Hinayang na hinayang ako kay Rhian Ramos dahil almost there na siya pero sa ilang tweet lang ng kanyang ex boyfriend ay nadungisan ang pangalan niya.
I’m sure galit na galit ang management dahil hindi naman madali ang pagkaka-establish sa kanya bilang isang wholesome actress na pilit na iginupo ngayon ni Mo Twister.
Mukhang mahihirapan din sila kay Iwa Moto dahil alam na ng lahat na pinagtangkaan nito ang sarili niyang buhay. But between the two actresses, mas parang apektado si Rhian dahil nga sa kagrabehan ng mga ginawa ng isang Mo Twister na hindi nag-isip na isapubliko ang naging relasyon nila.
Sana maging aral ito sa maraming artista na mahirap magmintina ng imahe. Kaya dapat ay maingat ang pag-aalaga nila dito.
Anak ni Victor Wood biglang nawala sa eksena
Maganda at effective ang ginawang pagpasok ng anak ni Victor Wood na si Simon sa showbiz. Bukod sa magandang lalaki ito ay magaling pa ring kumanta, dalawang katangian na puwedeng gamiting puhunan. Nakakahinayang na after his album launch ay wala na akong naririnig tungkol sa kanya. Siya ba ang umayaw? O may nagbigay sa kanya ng dahilan para siya hindi magpatuloy?
Hoy Victor, baka naman hindi mo siya tinutulungan. I heard bisita mo siya sa napaka-successful na concert mo. Sabi ni Anthony Castelo, magaling ka pa rin at hindi kinukupasan ng talent.
Justin sinasagad
Ang Pinoy nga naman, lubhang mapagpatawad. Sa kabila ng hindi magandang ugali na nakita nila kay Justin Bieber ay mas nangibabaw ang paghanga nila rito. Mas binigyan nila ng pagpapahalaga ang ginawa nitong pagpunta rito ng nasa kasibulan pa.
Nasanay kasi sila sa mga bumibisita ritong mga foreign acts na kung hindi matandang-matanda na ay humupa na ang kasikatan. Hindi na nila dinamdam ang mga ginawa nito sa kanila at sinabi na lamang na under normal circumstances na kung hindi ito pagod at walang sakit ay mabait naman ang teen superstar. Kung may dapat silang sisihin, ito ang nagpapatakbo ng karera niya dahil sinasagad nila si Justin.
Hindi karaniwang formula
Napanood ko rin nung Martes ng hapon ang In the Name of Love at totoo ngang maganda ang movie, kakaiba, hindi ’yung karaniwang formula.
Naka-huling hirit pa rin si Aga Muhlach. Umalis na lang siyang tuluyan sa ABS-CBN, nabigyan pa siya ng isang hindi malilimutang pelikula ng Star Cinema. Maganda at hindi malilimutang pabaon ito. He should treasure it dahil baka hindi na maulit pa.