^

PSN Showbiz

Charice bantay-sarado sa mga American advisers

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nagbago na nga ba si Charice dahil naiimpluwensiyahan na ng kanyang American advisers ang ugali niya?

Nakakalungkot ang balita na bantay-sarado na si Charice ng kanyang American advisers kaya marami na ang mga pagbabago sa buhay niya.

Hintayin natin ang muling pagbabalik ni Charice sa Pilipinas at kapag bantay-sarado pa rin ang kanyang American bodyguards, iisa lang ang ibig sabihin nito, totoo ang mga tsismis.

* * *

Gusto kong malaman ang name at nationality ng kasambahay na nabuntis at naanakan ng Hollywood actor at dating California Governor Arnold  Schwarzenegger.

Nang marinig ko ang balita na umamin si Papa Arnold na may naanakan siya na kasambahay na isa sa mga dahilan ng paghihihiwalay nila ng kanyang misis na si Maria Shriver, nagkaroon ako ng interes na malaman ang nationality ng mystery girl.

Pilipina ba siya o Latina? Marami ang magagan­dang Pinay na nagtatrabaho nilang kasambahay kaya hindi ako magugulat kung Pilipina ang nabuntis ni Papa Arnold.

Big news sa buong mundo ang paghihiwalay nina Papa Arnold at Maria dahil mga sikat na personalidad sila.

Ideal couple ang image ng magdyowa kaya marami ang nabigla sa kanilang announcement na “the end” na ang relasyon nila.

Powerful couple ang tingin sa mag-asawa at naloka ang lahat sa pag-amin ni Papa Arnold na naging unfaithful siya sa kanyang misis.

Iba ang kultura ng mga Amerikano sa Pilipino. Sa Pilipinas, sanay ang mga Pilipino na may mga anak sa ibang babae ang mga kilalang pulitiko at government officials.

Ayokong mag-name names ’noh!

* * *

Congrats sa mga nag-win sa 34th Gawad Urian na ginanap noong Martes sa Marriott Hotel.

Hindi pa napapanood ang awards night ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) dahil ipapalabas pa lamang ito sa Cinema One sa May 22.

Ang Cinema One ang bagong bahay ng Gawad Urian kaya ang production staff ng Cinema One ang punong-abala sa awards night na panay mga indie movie ang nag-win.

Alang-alang sa pagmamahal ko Kay Butch Francisco na co-host ko sa Startalk at member ng MPP, heto ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa ika-34 na Gawad Urian.

Best Picture - Ang Damgo ni Eleuteria (Creative Programs, Inc., Panumduman Pictures)

Best Director - Remton Siega Zuasola (Ang Damgo ni Eleuteria)

Best Screenplay - Arnel Mardoquio (Sheika)

Best Actor - Sid Lucero (Muli)

Best Actress - Fe GingGing Hyde (Sheika)

Best Supporting Actor - Joem Bascon (Noy)

Best Cinematography - Christian Linaban (Ang Damgo ni Eleuteria)

Best Production Design - Rodell Cruz (Amigo)

Best Editing - Willie Apa, Jr. and Arthur Ian Garcia (Sheika)

Best Music - Jerrold Tarog (Ang Damgo ni Eleuteria)

Best Sound - Dempster Samarista (Limbunan)

vuukle comment

ANG DAMGO

BEST

CHARICE

CINEMA ONE

ELEUTERIA

GAWAD URIAN

PAPA ARNOLD

SHEIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with