MANILA, Philippines - “Wow! Apparently may nililigawan akong non-showbiz at GF ko pa nga ata, wow, astig, sana naman makilala ko muna siya,” tweet kahapon ni Luis Manzano tungkol sa consistent na issue na isang non-showbiz ang bagong GF niya.
Hindi kasi tinatantanan si Luis sa issue tungkol sa bagong GF kuno porke ang ex niyang si Angel Locsin ay open na ang ‘relasyon’ kay Phil Younghusband.
Marami na actually na naniniwala na may non-showbiz GF na si Luis. ‘Yun naman pala, wala man lang bahid ng katotohanan.
* * *
Speaking of Luis, happy ang kampo ng daddy niyang si Edu Manzano dahil mataas ang rating ng game show nitong Family Feud sa GMA 7.
Hindi raw ito puwedeng ikumpara sa natsuging Star Box kahit halos magkasunod lang ang time slot ng programa dahil mas pinapanood ang Family Feud kumpara sa natapos na programa.
Nasilip ko nung minsan ang FF at mas bagay nga kay Edu ang programa kesa sa nauna niyang programa sa Kapuso Network na Asar Talo... na natsugi rin.
Eh teka nasaan na kaya ang sinasabi nilang talk show ng TV host? May pag-asa pa kaya itong matuloy?
Kasama nga pala sa mapapanood sa Family Feud ang showdown ng pamilya ni Jay Perillo laban sa family ni Frencheska Farr na may chance na mag-uwi ng P150,000.
Bakit kaya hindi ang pamilya ni Kris Bernal na girlfriend ni Jay ang pinagsabong?
* * *
Ibabalik na rin sa ere ang unang programa ni Kris Aquino sa ABS-CBN, ang Today With Kris Aquino.
Nauuso talaga ang pagbabalik sa ere ng mga lumang palabas.
Andiyan ang Mula sa Puso, Mara Clara (ABS-CBN), sa GMA 7 may Blusang Itim, sa TV5 may Bagets at Iskul Bukol.
Kung hindi dati nang palabas sa TV ay mga pumatok na pelikula naman noon ang niri-revive.
Tanong tuloy ng marami, wala na bang maisip na iba ang maraming writers ng mga network at ibinabalik na lang nila ang mga naipalabas na?
Why oh why nga ba at parang nawalan na ng mga bagong ideas ang mga writers natin.