Kaya fly nang fly uli sa Amerika?, Rufa Mae at Mr. M nagkabalikan

Absent si Rufa Mae Quinto sa Showbiz Central noong Linggo at ang balita ko, hindi pa rin siya magpapakita sa darating na Linggo.

Ang tsismis, nasa Amerika si Rufa Mae na malapit na ring magdiwang ng kanyang birthday.

Ang tanong, sino ang katagpo o kasama ni Rufa Mae sa US? True kaya ang tsismis na nagkabalikan sila ng kanyang mystery boyfriend na itatago natin sa alias na Mr. M?

Dating director nanghihingi ng tulong sa mga kinauukulan

 Kumalat kahapon ang text message tungkol sa shocking experience ni Mauro Gia Samonte, ang direktor na sumikat noon dahil sa mga ST films.

Nalinya noon si Mauro sa paggawa ng sexy movies at blockbuster ang mga pelikula niya sa Seiko Films.

Umikot kahapon ang balita na inatake at sinaktan si Mauro ng mga hindi kilalang lalaki kaya humihingi siya at ang kanyang pamilya ng tulong mula sa mga kinauukulan.

Tiyak na may mga tutulong kay Mauro dahil mara­mi siyang kaibigan sa industriya. Maliban sa pagiging movie director, naging broadsheet columnist din noon si Mauro.

P6,400 to 64,000 na regalo...

Tinawagan ako ni Shalani Soledad noong Lunes ng gabi para batiin ng happy birthday dahil binati raw ako ni Willie Revillame sa Wil Time Bigtime.

Ang say ko kay Shalani, sa May 20 pa ang birthday ko at hindi noong Lunes. Hindi ko alam kung sino ang nagpabati sa akin kay Willie.

Sixty-four years old na ako sa May 20. Hindi ako magkakaroon ng birthday party dahil graduate na ako sa ganyan pero tatanggap pa rin ako ng mga regalo at pagkain.

At dahil 64 years old na ako, hindi ako tatanggap ng mga regalo na P640 ang halaga.

Sa mga nagpaplano na padalhan ako ng birthday gift, welcome sa akin ang mga cash gift na P6,400 at P64,000!

Iskul Bukol maraming pinasikat noon

Maraming salamat kay Judy ng TV5 dahil ipinadala niya sa akin ang press kit ng Iskul Bukol, ang sitcom ng TV5 na malapit nang magsimula.

Invited ako sa presscon ng Iskul Bukol noong Lunes pero hindi na ako nagpunta dahil sa sobrang busy ng schedule ko.

Ni-revive ng TV5 ang Iskul Bukol na dating hit show ng Channel 13. Sumikat noon sina Tito, Vic, & Joey dahil sa Iskul Bukol na maraming taon din na namayagpag sa ere.

Sa totoo lang, ang IBC 13 ang No. 1 TV network noon. I should know dahil nagkaroon ako ng mga shows sa Broadcast City.

Hindi pa uso noon ang network war dahil malaya ang mga artista na makapag-guest sa lahat ng mga TV stations.

Hindi katulad ngayon na exclusive ang contract ng mga artista sa mga TV stations na kinabibilangan nila.

Maraming artista ang sumikat noon dahil sa Iskul Bukol at sana, ganito rin ang mangyari sa mga stars ng Iskul Bukol 2011 na mapapanood sa TV5.

Si Keempee de Leon ang pinaka-poste ng Iskul Bukol dahil siya ang bete­rano sa cast. Co-stars ni Keempee sina Alwyn Uytingco, Sam YG, at ang mga baguhan na nag-audition at pinalad na mapili bilang mainstay ng programa.

Dalawa ang direktor ng Iskul Bukol, sina Soxie Topacio at Dante Nico Garcia na best friend ni Judy Ann Santos. Pinalitan na pala ni Soxie ang spelling ng kanyang name dahil Soxy ang kanyang ex-screen name na ginagamit.

Show comments