SEEN: Ang maputi at makinis na legs ni P-Noy ang napansin nang mamisikleta siya sa Quezon Memorial Circle noong Linggo para sa exercise campaign ng Department of Health.
SCENE: Hindi nagpainterbyu sa media si Dionisia Pacquiao ilang oras bago ang kanyang birthday party sa newly-opened Pacquiao Gym noong Linggo dahil inuna niya na mag-beauty rest.
SEEN: Sina former President Joseph “Erap” Estrada at Ilocos Sur Governor Chavit Singson ang magka-table sa birthday party ni Mommy Dionisia.
Dating mortal na magkaaway ang dalawa dahil ang jueteng exposé ni Singson ang nagpatalsik kay Erap sa puwesto noong 2001.
SCENE: Mas maganda ang dating format ng Paparazzi ng TV5.
Hindi na live ang Sunday showbiz talk show ng Kapatid Network.
SEEN: Gamit na gamit si Luis Manzano sa publicity ni Jennylyn Mercado.
SCENE: Ang Sofitel ang napipisil na reception venue ng renewal of vows nina Sen. Bong Revilla, Jr. at House Representative Lani Mercado sa May 28.
SEEN: Very cheesy ang message ni Phil Younghusband para kay Angel Locsin: I thirst for your affection.
Hindi lamang uhaw sa affection ni Angel si Phil. Inaakusahan din siyang uhaw sa publicity.
SCENE: Umaasa ang mga celebrity investors ng Barrakz, ang restaurant bar sa Morato Avenue, Quezon City na may mababawi sila sa halos isang milyong piso na investment nila.
Isinara ang Barrakz nang hindi nalalaman ng mga investors.