Noong Linggo ay kasama ni
Kris Aquino
ang kanyang panganay na anak na si
Joshua
sa proyekto ng Department of Health na ehersisyong pangkalusugan para sa lahat. Ginanap ito sa Quezon Memorial Circle. Ilang government officials din ang sumuporta sa nasabing programa sa pangunguna ni Presidente
Noynoy Aquino.
Sobrang proud ni Kris kay Josh dahil nakasali ito sa isang biking activity sa nasabing event. “Si Josh, nagba-bike na ngayon, eh hindi naman ako marunong mag-bike so nakakahiya naman na naka-training wheels ako,” natatawang bungad ni Kris.
Ang pagba-bike ang pinakabagong kinahihiligan ngayon ni Josh para mapanatiling malusog ang pangangatawan nito.
“Kasi nandoon siya sa severely obese level. So, ngayon at least nag-lose na siya ng ten pounds. Four times a week talaga nagba-bike, three times nagko-core, something cross training, and swimming. So three different physical activities para pumayat, happy talaga at good na nag-e-enjoy siya talaga,” kuwento pa ni Kris.
Yeng sagot ang Star Magic Theme
Ngayong taon ay nakatakdang mag-celebrate ng kanilang 19th anniversary ang Star Magic. Last week ay nagsama-sama ang Star Magic artists para sa kanilang kauna-unahang station ID shoot.
Masaya si Yeng Constantino dahil siya ang napiling gumawa at kumanta ng theme song para sa nasabing station ID. “Nakakatuwa, pinapakita ng management sa iyo na nagtitiwala sila sa ’yo. Something really close to my heart and special, family namin ito, so malaking karangalan sa akin,” maikling pahayag ni Yeng. — Reports from JAMES C. CANTOS