Mocha belong sa grupo nina FVR at Lea Salonga!

MANILA, Philippines - Pinanindigan ng

Mocha Girls

sa pangunguna ni

Mocha Uson

ang pagiging aktibo sa mga rally at forum upang isulong ang bago niyang adbokasiya.  Nung May 11 ay dumalo siya sa launching ng

Purple Ribbon

(pagtitipon ng leaders, artists at public figures na suportado ang RH Bill) sa Crowne Plaza dahil nga sumusuporta siya sa pagsulong ng RH Bill sa mga kabataan.

Dumalo rin sa pagtitipon sina former President Fidel V. Ramos, Dr. Esperanza Cabral (former Sec. Department of Health), Ms. Ri­sa Hontiveros, Cong. Edcel Lag­man, Lea Sa­longa, Jim Paredes at si Mocha nga.

“Kung kailangang magbigay ng mga condom, siguro ay puwede kaming sumama sa rally. Wala naman ka­sing masama sa pag­­gamit ng condom e, ang masama ay ‘yung hindi ka gumagamit ng condom, dahil wala kang protection. Naniniwala kasi kami sa safe sex, sa paggamit ng condom. Na­­niniwala kasi kami na dapat ay educated at informed ukol dito ang mga kababayan natin. Ito kasi ang proteksiyon, unang-una sa sex­ually transmitted disease. And pangalawa, sa unwanted or unintended pregnancy,” sey ni Mocha kung paano makiisa sa RH Bill.

Ang advocacy ni Mocha ay ipaliwanag sa mga simpleng kabataan kung ano ang ibig sabihin ng RH bill.

Magsisilbing tulay din ang kanyang blog (www.mocha.con.ph) sa darating na mga araw para magpaliwanag sa ibig sa­bihin ng RH bill sa mga hindi pa nakakabasa nito.

Anyway, may birthday concert si Mocha Uson kasabay si Mocha Girl Mae sa May 24, 10:00 p.m. sa Mugen Bar, Met­ro­walk. Launching na rin ito ng Mocha Girls sa kanyang kampanya sa RH Bill.

Show comments