SEEN : Nanguna sina Congressman Manny Pacquiao at ang kanyang misis na si Jinkee sa Thanksgiving mass na idinaos kahapon ng umaga sa Quiapo Church.
SCENE : Iniregalo ni Rep. Pacquiao kay President Noynoy Aquino ang yellow gloves na ginamit niya sa laban nila ni Sugar Shane Mosley sa Las Vegas noong May 7.
SEEN : Bumalik si Iwa Moto sa taping ng Andres de Saya matapos gamutin ang kanyang mga sugat sa Delgado Clinic.
Nasugatan si Iwa nang magwala ito noong Huwebes sa GMA 7 compound at basagin niya ang salamin ng kotse ng boyfriend na si Mickey Ablan dahil itinakbo nito ang kanyang cell phone.
SCENE : Ang Cinema One ang media partner ng 34th Gawad Urian na gaganapin sa Mariott Hotel sa darating na Martes, May 17.
SEEN : Dumalo si Janice de Belen at ang kanyang mga anak sa fashion show ng Wrangler sa Mall of Asia noong Biyernes ng gabi.
SCENE : Ngayong gabi ang engrandeng birthday party ni Dionisia Pacquiao sa isang gymnasium sa General Santos City.
Nagpa-facial si Dionisia bilang paghahanda sa kanyang kaarawan.
SEEN : Bagong bihis ang Paparazzi ngayong hapon. May malaking pagbabago sa showbiz talk show ng TV5.
SCENE : Ang balita na hindi boto si Baby James kay Diether Ocampo bilang special friend ng kanyang nanay na si Kris Aquino.
Menor de edad si Baby James. Hindi siya dapat idinadamay sa mga isyu na hindi niya naiintindihan.