January nang pumasok si Baron Geisler sa Penuel House na isang rehabilitation facility at sa loob ng ilang buwang pananatili ng aktor sa rehab ay marami na itong natutunan sa buhay.
“Napaka-serene, very peaceful, tahimik, kalmado. I’m very fortunate na dito ako dinala dahil Christ-centered ’yung rehab na ito. We read Bible everyday. We have this session called quiet time. We meditate in God’s words. We learned how to deal with poor emotions, addictions, hang ups, and pains,” paglalahad ni Baron.
Ninety days lamang ang required para sa program ni Baron sa nasabing rehabilitation facility pero nagdesisyon ang binata na mag-extend pa.
“Bahala na kung hanggang kailan. Happy ako dito, hintay lang ako, and let’s see kung ano mangyari sa future basta sa ngayon I just want to concentrate here,” dagdag pa ng aktor.
Hindi pa alam ni Baron kung ano ang mga mangyayari paglabas niya mula sa rehab. Nakahanda naman siyang harapin ang panibagong yugto ng kanyang buhay.
“The real test is in the outside world. Doon ko makikita kung magagamit ko ’yung natutunan ko dito. Kasi nagiging patient ako, pero ang tao pa rin ang maghuhusga sa atin, at hindi maiiwasang paglabas ko ay aantayin nila akong bumagsak, magkamali, pero iyon ’yung battle na gusto kong labanan talaga.
“Kumbaga giyera na ito para ’di na ako bumagsak,” makahulugang pahayag ni Baron.
Angelica dadalawin na ng ’kanong tatay
Matapos muling magkita sa Amerika kamakailan sina Angelica Panganiban at ang kanyang amang si Mark Charlson ay ang anak naman ang balak puntahan dito sa Pilipinas.
“Sana makauwi sila, kung maluwag din ’yung schedule ko, kasi useless naman kung pupunta sila rito kung puro trabaho ’yung makikita nila,” bungad ni Angelica.
Miss na miss na kasi ni Daddy Mark ang kanyang anak kaya gustung-gusto nitong pumunta sa bansa.
“Oh, you bet I’d go to the Philippines if I can get there. I’m looking forward to getting back there,” pahayag ng daddy ni Angelica na nasa Amerika. — Reports from JAMES C. CANTOS