Splice lumabas na agad sa VCD at DVD

MANILA, Philippines - Hindi na kailangang maghintay ng matagal upang ang isang de kalidad na pelikula ay mapanood nang paulit-ulit sa orihinal na video. Katulad ng Splice na ini-release agad sa VCD at DVD ng C-Interactive Digital Entertainment.

“A cool sci-fi horror thriller,” ayon sa sikat na kritikong si Lisa Schwarzbaum.

Sa istorya, ang Splice ay tungkol sa isang nilalang na part-bird, part-amphibian, at part-human na si Dren. Siya ay resulta ng mga eksperimento nina Clive Nicoli (Adrien Brody) at Elsa Kast (Sara Polley), mga genetic engineers na nagtangkang pagsamahin ang siyensya at medisina sa kakaibang paraan. Noong una, akala nila ay matagumpay na ang lahat. Pero sa bandang huli, ang inaasam na malaking tulong sa sangkatauhan ay nagmistulang pinakamasamang bangungot.

 Mabibili ang orihinal na kopya sa Astrovision, Astroplus, Odyssey Music & Video, mga piling sangay ng National Book Store, at Fully Booked.

Show comments