MANILA, Philippines - Ang De La Salle University (DLSU) ay may isang orihinal pelikula na pinamagatang Paglipad ng Anghel. Isinulat at idinirek ni Dr. Clodualdo “Doy” del Mundo, ang istorya ay tungkol sa isang mabuting lalaki na sa kanyang pagiging matulungin ay tinubuan ng pakpak sa kanyang likod tulad ng isang anghel.
Ang Paglipad ng Anghel ay gaganapan ng mga kilalang artistang sina Sid Lucero, LJ Moreno, Christian Vasquez, at Joel Torre. Ito ay isinagawa upang makaipon ng pondo para sa One La Salle Scholarship, isang La Salle centennial campaign na ang layunin ay makalikom ng isang bilyong piso na gagamitin sa pag-aaral ng 18,000 full scholars ng mga La Salle schools.
Ang nasabing pelikula ay nagkaroon ng press screening noong May 12 sa De La Salle-College of St. Benilde School of Design and Arts Cinema. Ang mga susunod na screenings ay magaganap sa iba’t ibang eskuwelahan ng DLSU na magsisimula sa June 12 bago gunitain ang centennial celebration ng unibersidad sa June 16. Tingnan na lang ang kanilang website para sa mga detalye.