^

PSN Showbiz

Regine lalaki ang ipinagbubuntis; Jackie Rice naputulan ng daliri sa taping!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Hindi pa makumpirma sa ngayon ni AiAi delas Alas kung matutuloy ang pelikulang pagtatambalan nila ni Vic Sotto na pang-Metro Manila Film Festival.

Ipinagdarasal daw niya nang husto na matuloy ito. Tiyak daw na riot ito at matindi ang labanan sa MMFF dahil makakalaban din nila si Sen. Bong Revilla na ginagawa na ngayon ang Panday 2 na pagsasamahan naman nila ni Marian Rivera.

Pero magiging magandang labanan naman daw ito dahil malaki ang maitutulong nito sa ating movie industry.

Hindi nakadalo si Bossing Vic sa awarding ng Box-office King and Queen. Kaya sina Sen. Bong Revilla at AiAi ang magkasamang pinarangalan ng Guil­lermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. noong Martes ng gabi.

PAK : Naaksidente si Jackie Rice sa taping ng Sisid noong nakaraang Martes.

Napalakas daw ang sipa nito sa silya sa eksenang nag-aaway sila ni Dominic Roco.

Sobrang nadala raw sila sa eksena kaya hindi nakontrol ni Jackie ang pagsipa sa silya. Nabali ang isang daliri ng paa nito kaya naantala ang taping.

Kaya sinementuhan ang paa ng young actress at mukhang matatagalan ito bago makapag-taping uli.

Hindi naman daw puwedeng lagi na lang siyang nakaupo sa mga eksena kaya kailangan daw niyang magpagaling nang husto.

Dahil sa minor accident, na-pack-up ang taping ng Sisid at hindi pa raw tiyak kung kailan ito magri-resume, depende sa kalaga­yan ni Jackie.

BOOM : Kinukundisyon na raw ni Regine Velasquez na baby boy ang dinadala niya. Kaya ang la­ging ginagamit daw nito ay “his” o “he” na tila sure na baby boy talaga ang ipinagbubuntis niya.

Iyun din daw ang gusto ng mga anak ni Ogie kay Michelle Van Eimeren dahil gustung-gusto na raw nila magkaroon ng baby brother.

Sampung linggo pa lang ang ipinagbubuntis ni Regine at matagal pa raw bago nila malalaman kung ano ang gender ng baby.

vuukle comment

BONG REVILLA

BOSSING VIC

DAW

DOMINIC ROCO

JACKIE RICE

KAYA

KING AND QUEEN

MARIAN RIVERA

MENDOZA MEMORIAL SCHOLARSHIP FOUNDATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with