AiAi nainsulto nang ikumpara kay Solenn Heussaff!

Hindi ko masyadong napansin ang malakas na buhos ng ulan kahapon dahil busy ako sa tsikahan portion namin ni AiAi delas Alas sa presscon ng Flawless para sa kanya.

Literal na ipinangalandakan ni AiAi ang kanyang flawless body dahil sa kanyang suot na micro shorts na ipinasadya niya para sa grand presscon ng Flawless.

Kasali sa tsikahan namin si Mama Rubby Co­yiuto, ang Flawless owner na nagkuwento na marami ang tumatawag sa kanyang opisina at nagtatanong kung si Solenn Heussaff ba ang bagong endorser ng kanyang beauty company?

Naloka si AiAi sa narinig na kuwento as in parang hindi niya matanggap na kamukha si Solenn. Talagang naglitanya si AiAi ng “ Hindi si Solenn ‘yon! Ako ‘yon! Ako ‘yon!”

Sa tono ng boses ni AiAi, tila siya pa ang nainsulto dahil napagkamalan siya na si Solenn sa giant billboard ng Flawless sa Edsa Guadalupe.

Tuwang-tuwa si AiAi dahil sa grand presscon na inihanda ng Flawless para sa kanya.

Na-feel ni AiAi ang love sa kanya ni Mama Rubby at ng Flawless staff.

Sa totoo lang, nag-improve nang todo ang beauty ni AiAi dahil sa mga procedure sa kanya ng sikat na skin and beauty clinic.

Ang Binondo Girl ang next TV project ni AiAi sa ABS-CBN pero special guest din siya sa drama series na pagbibidahan ni Erich Gonzales.

Glydel puwede na uling magtrabaho!

Tuloy na rin ang participation ni Glydel Mercado sa Binondo Girl dahil ma­ayos na ang kanyang pakiramdam.

Nag-worry ako noon na baka hindi matuloy si Glydel sa Binondo Girl dahil maselan ang pagbubuntis niya sa second baby nila ni Tonton Gutierrez.

Okey na ang kalagayan ni Glydel kaya nagbigay ng go-signal ang kanyang doktor na puwede niyang tanggapin ang Binondo Girl.

Lagare...

Lagare kahapon ang showbiz press dahil apat ang mga presscon.

Maliban sa presscon ng Flawless, kahapon din ang press preview ng Bagets, Just Got Lucky, ang bagong Sunday show ng TV5 na magsisimula sa May 15.

Ipinakilala rin sina Joem Bascon at Carlos Agassi bilang mga image model ng Guitar underwear at ang contract signing ng mga bagong talent ng Regal Films ni Mother Lily Monteverde.

Sa apat na imbitasyon sa akin, ang presscon lang ng Flawless ang sinipot ko.

Hindi na carry ng powers ko na puntahan ang mga presscon kagabi dahil may conflict ito sa mga teleserye na sinusubaybayan at pinapanood ko.

Mainit...

Mainit pa rin na pinag-uusapan ang hiwalayang Mo Twister at Rhian Ramos.

Iisa ang tanong ng madlang-bayan, may possibi­lity ba na magdemanda si Rhian dahil sa mga tweet ni Mo kaya kinuha niya ang serbisyo ni Atty. Lorna Kapunan?

Abangan natin ang tumpak na kasagutan sa mga susunod na araw.

Show comments