MANILA, Philippines - Pumirma kamakailan ang mga bida ng Mara Clara na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes ng two-picture contract sa ilalim ng Star Cinema.
Kahit na umeere pa ang Mara Clara, nakapila na ang mga proyektong gagawin ng dalawang promising stars.
Samantala, hindi matinag-tinag ang nasabing palabas sa unang puwesto sa Top 20 programs nationwide. Sa katunayan, sa buwan ng Abril, nakakuha ng average national rating na 32.5% ang Mara Clara na siyang nagtanghal sa serye bilang pinaka-pinapanood na programa sa bansa sa nasabing buwan.