Binuweltahan ng legal counsel ni Aiko Melendez na si Atty. Adel Tamano ang maraming mayor ng Bulacan sa ginawa nilang pagdedeklara sa aktres bilang persona non grata.
Sinabi ng magaling na abogado na labag sa batas ang ginawa nila dahil ang kaso ng aktres ay personal sa pagitan niya at ng kanyang ex na isang mayor sa nasabing probinsiya.
Hinihiling nila ang pagbawi sa ginawang deklarasyon na malaki ang naging epekto sa pamilya at kamag-anak ng aktres.
Wala pa silang masabi tungkol sa isinampang kasong libelo nina Mayor Meneses at Mayor Enrico Roque dahil wala pa silang tinatanggap na abiso tungkol dito mula sa korte.
* * *
Pinag-usapan na pala ng magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes na kung mag-aasawa sila ay kailangang mauna si Ara kay Cristine. Witness sa usapang ito ang tumatayong manager ng dalawa na si Veronique del Rosario.
Kahit smooth man ang relationship nina Cristine at Rayver Cruz, wala pa sa plano nila ang paglagay sa tahimik pero inaamin nilang napag-uusapan nila ito, but only in passing, hindi seryoso.
Samantala, serious din naman ang relasyon ni Ara sa kanyang non-showbiz boyfriend pero wala pa silang engagement. Hindi pa rin naman handa si Ara kaya ni pagpapahaging ay wala siyang ginagawa sa kanyang bf. Hihintayin na lang niya na magkusa ito.
* * *
Malaking paghanga ang naramdaman ni Jericho Rosales sa naging leading lady niya sa kanyang made in the Philippines Hollywood movie na Subject : I Love You na si Briana Evigan.
Inalagaan nito ang Philippine contingent na kinabibilangan nina Echo at Gary Valenciano na may role din sa nasabing movie na maituturing na may pinaka-maraming nanood during the Newport Beach Film Festival. Nagkaroon pa ito ng second screening sa unang araw ng pagpapalabas nito to accommodate the many who wanted to see the film.
Kaya tuwang-tuwa ang direktor nitong si Francis dela Torre. Ang daming Pinoy na dumayo sa Newport para masuportahan ang kanilang kababayan pero hindi naman nagpahuli sa rami rin ang nga dayuhan na maganda ang naging komento sa pelikula.