Angelica game na game na kay Piolo!
Taong 2004 nang huling magkatambal sina Piolo Pascual at Angelica Panganiban sa teleseryeng Mangarap Ka sa Kapamilya Network. Pagkatapos ng pitong taon ay muling magsasama ang dalawa sa isang pelikula na gagawin ni Direk Mae Cruz mula sa Star Cinema.
“First time namin to work with Direk Mae para sa pelikula. It’s a privilege for us. We’re so excited because bago sa amin itong tatlo. Never pa kami nagsama ni Angel sa pelikula. Never ko pa nakasama si Direk Mae,” pahayag ni Piolo.
“First time kong gagawa ng romantic comedy. Sabi ko nga ito na ’yung pinaka-challenging role na puwede nilang ibigay sa akin. Kasi super lapit niya sa personality ko, demure siya. Ayun! Sweet, mabait, polite, lahat ng positivity nasa kanya. So akung-ako talaga,” pabirong sabi naman ni Angelica.
Kamakailan ay nagkaroon na ng look test sina Angelica at Piolo para sa gagawing pelikula at naging komportable naman sila sa isa’t isa. Kitang-kita na rin ang chemistry at magandang samahan sa pagitan ng dalawa.
“Masaya kami. Ang problema namin ay kung paano kami magiging seryoso, ’yun ang challenge,” kuwento ni Piolo.
Ang balita namin ay magkakaroon ng mga daring scenes ang movie project nila. Ready na kaya silang gawin ito? “Depende, kung hihingin ng istorya,” sagot ni Piolo.
“Hihingin iyan,” mabilis na kambiyo naman ni Angelica.
Gerald aminadong kawawa ang maliligawan
Noong Sabado ay inamin ni Kim Chiu sa E Live na nagkaroon na ng closure ang naging relasyon nila ni Gerald Anderson matapos ang kanilang pag-uusap sa Amerika kamakailan.
Ayon naman kay Gerald, bukas pa rin naman siya sa posibilidad na makasama si Kim sa kanyang mga proyekto.
“’Yung working status namin hindi closed book ’yun at love team namin, hindi pa sarado ’yun,” bungad ni Gerald.
Samantala, ang bagong napapabalita ngayon ay madalas na nakikitang magka-date sina Gerald at ang dating leading lady niyang si Jewel Mische.
“Hindi kami nagkikita, nakaka-miss nga siya actually. Wala akong nililigawan ngayon. Kung sinuman ang ligawan ko kawawa rin, kasi ’di ko mabigyan ng oras. Sa ngayon focused muna ako sa work,” sabi ng young actor.
Kaabang-abang naman ang bagong project na gagawin ni Gerald.
Say niya, “Ibang leading lady, ibang story. ’Yung role ko kakaiba, so ang daming dapat abangan sa show na ito.” — Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest