Lemuel nagwi-wish ng major concert

MANILA, Philippines - May birthday concert si Lemuel Santos sa May 11, Wednesday, 9:00 p.m. sa Music Box, Timog na may pamagat na Rated S.

Si Lemuel ay recording artist ng Concorde Records para sa album niyang Mahal. Sa nasabing album siya na-nominate noon bilang Best New Re­cording Ar­tist ng Star Awards at Aliw Awards.

Birthday wish ni Lemuel na magkaroon siya ng major concert at makasama ang mga sikat na singers.

“Sana magkaroon ako ng chance na makasama sina Gary Va­lenciano, Re­gine Velasquez, Martin Nievera at Ogie Alcasid. Sila po ang mga idols ko noon pa,” sey niya.

Wish din niya na ma­pa­dalas ang guesting ni­ya sa tv.

“Break lang talaga ang kulang tito pero hindi sa pagmamayabang kaya ko namang makipagsaba­yan sa boses nina Jovit Baldivino at Jed Madela” sambit niya na naniniwala kami.

Pag gumawa raw siya ng kanta, gusto niyang ialay kay Angel Locsin. Noon pa raw ay crush niya ito.

Anyway, makakasama ni Lemuel sa kanyang birth­day concert sa Music Box sina Gerald Santos, Faith Cuneta, Suy at si Marc Cubales.

Para sa ibang detalye, tumawag sa 7100352, 09215498931.

Show comments