Bimby ayaw maging stepdad si Diether

Totoo kayang seryoso si Diether Ocampo kay Kris Aquino? Eh, bakit naman kung si Kris ang tinatanong eh, sinasabi niyang friends lang sila ng actor? At walang maasahang romansa sa kanila dahil nga hanggang sa pagiging magkaibigan lamang sila pupuwede. Nag-uusap kaya silang da­la­wa? Hindi nagsi-sync ang mga statements nila.

Kung sabagay, pareho naman silang libre. At puwedeng maging playmates ang mga anak nila ba­gaman at apat na taon ang tanda ng anak ni Diet kay Bimby ni Kris.

Lalong walang maasahang relasyon sa ka­ni­lang dalawa kung ang bunso ni Kris ang masusunod dahil ni ayaw nitong magkarelasyon ang ina bu­kod pa sa kanyang amang si James Yap.

Hayan, Kris, mukhang magkakaproblema ka sa lovelife mo dahil seloso ang bunso mo. 

* * *

Happy at proud si John Prats sa desisyon ng kanyang kapatid na si Camille na balikan ang pag-aartista nito. Lubhang abala sa kasalukuyan si Camille sa pamamatnubay ng kanyang school for children kung kaya nawawalan ito ng panahon sa pag-arte. Pero hindi na ngayon. With the blessing of her husband, tinanggap niya ang role na originally was meant for Carmina Villarroel sa Mun­ting Heredera.

Show comments